UNQUALIFIED OPINION MULA SA COA, TINANGGAP NG QC LGU SA IKATLONG SUNUD-SUNOD NA PAGKAKATAON
- Published on June 14, 2023
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ni Quezon City Mayor Joy Belmonte nitong Independence Day celebration na nakatanggap muli sa ikatlong sunud-sunod na pagkakataon ng “unqualified opinion” mula sa Commission on Audit ang pamahalaang lokal ng Quezon City para sa 2022 annual audit report matapos ang mahigpit na assessment.
Ang “unqualified opinion” ay ang pinakamataas na audit opinion na ibinibigay ng COA sa mga ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang mga lokal government units.
Ayon kay Belmonte, sa ikatlong sunod na taon mapalad ang Quezon City na mabiyayaan ng ganitong parangal. Ito’y patunay lang ng ating tuluy-tuloy na tapat na pamamahala, at pagiging masinop sa paggamit ng pondo ng taumbayan.
Dagdag pa ng alkalde, hindi natin maaabot ang pagkilalang ito kung hindi dahil sa masisipag at tapat na mga tauhan ng pamahalaang lokal, para sa inyo ang parangal na ito.
Ayon naman kay Joseph Perez, Supervising Auditor ng COA-QC, nakapasa sa masusing pagsisiyasat ng COA ang financial statement ng lungsod at ito ay naaayon sa “applicable fimancial reporting framework.
Si Perez din ang nagpaabot ng balita kay Belmonte kaugnay sa nasabing parangal nang siya ay nag courtesy call sa alkalde.
Personal na tinanggap ni Belmonte ang COA annual report mula kay Perez, kasama sina City Administrator Michael Alimurung, Secretary to the Mayor Ricardo Belmonte Jr., and Office of the City Mayor (OCM) Chief of Staff Rowena Macatao. (PAUL JOHN REYES)
-
Pinupuri ang pagkanta ng Japanese theme song: JULIE ANNE, grateful sa mga natatanggap na positive comments
ISA sa mga dapat abangan sa most epic primetime series ngayong taon ang pagkanta ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose sa theme song ng “Voltes V: Legacy.” Para sa mga nakapanood na ng special edit ng serye via “Voltes V Legacy: The Cinematic Experience,” talaga namang amazing ang ipinakitang husay […]
-
Mga lugar na naka-granular lockdown, tututukan ng IATF
MAGPAPATUPAD ang pamahalaan nang mas mahigpit na pagmo-monitor sa iba’t ibang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ito’y sa harap na rin ng gagawin nang pagbabahay- bahay ng mga taga DOH at mga nasa barangay upang madetermina ang mga mayroon ng sintomas ng virus. Importante […]
-
Sa kabila ng pandemya, tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko pangungunahan ng mga LGU
SA kabila ng kinakaharap na pandemya, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na handa ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na buhayin ang ekonomiya at pasiglahin ang nakasanayang tradisyon ngayong panahon ng Kapaskuhan. Sa ginanap na directional meet- ing kahapon na pinangunahan ni Domagoso kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, […]