UPAKANG VERA-BHULLAR, TABLADO SA PUBLIKO
- Published on March 14, 2020
- by @peoplesbalita
INANUNSIYO ng ONE Championship na lahat ng kanilang events kabilang ang laban na gaganapin sa Maynila ay gagawing fan-less o closed door para sa mga manonood.
Nag-ugat ito dahil na rin sa kumakalat na coronavirus disease o COVID-19 , ayon sa nilabas na statement ni ONE championship chairman and CEO Chatri Sityodtong.
Lahat ng nakatakdang live events ay pansamantalang sinuspinde hanggang Mayo 29, 2020 bilang pagtalima sa kautusan ng World Health Organization (WHO) hingil sa lumalalang COVID-19.
Magsisimula ang Global broadcast shows na closed doors event sa Singapore sa Abril 17, Abril 24, Mayo 1, at Mayo 8. Nakatakda ang live event na ONE Infinity 1 sa Mayo 29 sa Manila.
Gayundin, ang ONE Esports Dota 2 Jakarta Invitational sa Abril 18-19 ay isasagawa gayundin ang ONE Esports Dota 2 Indonesia Invitational on Nobyembre 23-29.
“My team and I have decided to turn all events for ONE Championship into closed-door, audience-free events effective immediately. Bar none, the safety of our fans, athletes, staff, partners, and the public is the highest priority for ONE Championship. All scheduled ONE events with live audiences will now be suspended until at least May 29, 2020 due to the extraordinary COVID-19 global situation,” pahayag niya.
Gaganapin kasi sa Mall of Asia Arena ang ONE Infinity 2 sa Mayo 29. Pasok sa event ang mga bakbakang Iuri Lapicus kontra Christian Lee para sa ONE Lightweight World Championship at umpugang Eddie Alvarez at Saygid Arslanaliev para sa lightweight contenders.
Highlight ang sapakang ONE Heavyweight World Champion Brandon Vera kontra ex-UFC contender si Arjan Singh Bhullar bilang main event battle.
“We are operating in truly extraordinary times, but my team and I remain committed to providing you the best sports and entertainment action available anywhere on global broadcast today. ONE Championship will continue to thrill you with the greatest martial artists on the planet and inspire you with their incredible stories. This virus might be on the attack right now, but I believe in the power of the human spirit,” dagdag pa ni Sityodtong.
Para sa karagdagang updates, bisitahin ang www.onefc.com, Twitter at Instagram @ONEChampionship, at Facebook at https://www.facebook.com/ONEChampionship.
-
Valenzuela nagbigay ng P4-milyon ayuda sa Isabela at Cagayan
Matapos magpaabot ng P6-milyong tulong sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly, nagbigay naman ang VC Cares Plus Program ng Lungsod ng Valenzuela ng P4-milyon tulong financial assistance sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses sa lalawigan ng Isabela at Cagayan. Sa ipinasa ng 8th City Council ng City Government ng Valenzuela na Resolution No. 1882, […]
-
Mabuhay kayo Arbilon, Mayor Goma!
DINISPATSA ni Princess Honey Arbilon ng Pilipinas si Maryia Gnedtchik ng Belarus, 4-1, para maikuwintas ang bronze medal sa katatapos na 1st Union Internationale de Pentathlon Moderne (UIPM) World Laser All-Stars. Nilansihan ang 18-anyos na Pinay buhat sa Ormoc City ni Darcy Dryden ng Britain, 2-4, sa semifinals ng Under-22 online tournament na nilahukan […]
-
Sa naganap na holiday party ng NetfliX: HEART, nakitang kasama ang ‘Bling Empire’ star na si KANE LIM
MAGIGING maganda ang pagtatapos ng 2021 para sa Kapuso actor na si Kristoffer Martin dahil sa pakikipagbalikan sa girlfriend na si AC Banzon na ina ng kanyang anak na si Precious Christine o Pre. Nag-celebrate ng 5th birthday niya si Pre at namasyal silang tatlo sa isang marine theme park. Post […]