• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Upang matiyak na naaayon sa Saligang Batas’: PBBM, masusing nirerepaso ang mga item sa GAA -Bersamin

MASUSING nirerepaso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang 2025 General Appropriations Bill upang matiyak na umaayon ito sa Saligang Batas.
“The President and the Cabinet are RIGHT NOW (with or without the calls) thoroughly reviewing the various items of the GAA [General Appropriations Act] to make them conform to the Constitution, and to see to it that the budget prioritizes the main legacy thrusts of the Administration,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa viber message sa mga mamamahayag.
“The President has been most prudent in programming and spending of our limited fiscal resources,” ang winika pa ni Bersamin.
Inaasahan naman na titintahan ni Pangulong Marcos ang P6.352-trillion panukalang national budget para sa susunod na taon sa darating na Disyembre 30, 2024.
“Signing on 30 December 2024 after the Rizal Day program in Manila,” ang nauna namang sinabi ni Presidential Communications Office acting Secretary Cesar Chavez.
Matatandaang, una nang itinakda ang paglagda sa panukalang 2025 General Appropriations Bill noong Disyembre 20, subalit naunsiyami ito para “to allow more time for a rigorous and exhaustive review.”
Nauna nang sinabi ni Bersamin na “certain items and provisions of the national budget bill will be vetoed in the interest of public welfare, to conform with the fiscal program, and in compliance with laws.”
“Fiscal years 2001, 2004, and 2006 all had reenacted budgets,” ang sinabi naman ng Department of Budget and Management.
“There were also partial reenacted budgets in fiscal years 2003, 2005, 2008, and 2009,” ayon pa rin sa departamento. (Daris Jose)
Other News
  • PBBM, naniniwalang walang dahilan para magtayo ang Pinas ng armory nito

    WALANG nakikitang dahilan si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. para magtayo ang Pilipinas ng  armory nito.     Para sa Chief Executive hindi palaging sagot ang “military solution” sa mga usapin.     Sa isinagawang dayalogo kasama si  World Economic Forum (WEF) President Borge Brende sa  Davos, tinanong si Pangulong Marcos kung kinokonsidera nito na doblehin  […]

  • Iniyakan dati sa tuwing magri-race ang aktor: ABBY, gustong mala-Jennifer Lopez at Ben Affleck ang kasal nila ni JOMARI

    KUMPIRMADO na ang kasalang Jomari Yllana at Abby Viduya sa November ng taong ito.     Mismong sina Abby at Jomari ang opisyal na nagbalita nito. Sa pamamagitan muna raw ng isang civil wedding sa Las Vegas, U.S.A. ang magiging kasal nila.     Ayon kay Abby, gusto nila na mala-Jennifer Lopez at Ben Affleck […]

  • OPS, nagpasalamat sa serbisyo ng mga Filipino nurses sa gitna ng pandemya

    PINASALAMATAN ng  Office of the Press Secretary (OPS)  ang mga Filipino nurses sa Pilipinas at sa ibang bansa para sa naging serbisyo  nito lalo na noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic.     Ang pahayag na ito ng OPS  na naka-post sa kanilang official Facebook page ay bahagi ng pagbati sa ginagawang pag-obserba ng bansa sa […]