Updated Red, Green, and Yellow List , inaprubahan ng IATF
- Published on November 2, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Oktubre 28, 2021 at ipinalabas ang updated Red, Green, and Yellow List nito epektibo Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 15, 2021.
Ang bansang Latvia ay naka-classify sa ilalim ng Red List.
Inisa-isa naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bansa/jurisdictions/territories sa ilalim ng Green List na kinabibilangan ng Algeria, American Samoa, Bhutan, Burkina Faso, Cameroon, Chad, China (Mainland), Comoros, Cook Islands, Eritrea, Falkland Islands (Malvinas), Hong Kong (Special Administrative Region of China), Kiribati, Madagascar, Mali, Marshall Islands, Federated States of Micronesia, Montserrat, Nauru, New Zealand, Nicaragua, Niger, Niue, North Korea, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Helena, Saint Pierre and Miquelon, Samoa, Sierra Leone, Sint Eustatius, Solomon Islands, Sudan, Syria, Taiwan, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu at Yemen.
Ang lahat ng mg bansa/ jurisdictions/territories na hindi nabanggit ay nasa ilalim ng Yellow List.
Sa kaugnay na usapin, pinalawig ng IATF sa Yellow List ang limitadong international transit hub operations na nauna nang inaprubahan para sa mga bansa/territories/jurisdictions sa Green List.
Gayunman, ang operasyon nay dapat na limitado sa airside transfers sa pagitan ng Terminals 1 at 2, at sa loob ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.
Samantala, inaprubahan din ng IATF ang paglikha o pagbuo ng sub-Technical Working Group na pamumunuan ng Department of Transportation (DOTr) na babalangkas at magpapanukala ng special pilot testing at quarantine protocols para sa mga Filipino, balikbayans, at kanilang pamilya na magmumula sa Green at Yellow Lists.
Inaprubahan din ang rekumendasyon ng DOTr para sa unti-unting pagtaas ng passenger capacity sa public transportation para sa road-based at rail transportation na bumabagtas sa Kalakhang Maynila at kalapit- lalawigan mula 70% ay magiging full capacity simula Nobyembre 4, 2021. (Daris Jose)
-
Ephesians 4:16
From [Christ] the whole body, joined and held together by every supporting ligament, grows and builds itself up in love, as each part does its work.
-
‘Audio record’ ng Chinese Embassy ukol sa pag-uusap sa WPS, paglabag sa batas ng Pinas
MALINAW na paglabag sa batas ng Pilipinas ang pag-amin ng Chinese Embassy na mayroon itong audio recording ng isang Filipino general na nakikipag-usap sa Chinese diplomat kaugnay sa “new model” agreement sa West Philippine Sea (WPS). “Kung totoo man ito, labag sa international relations at labag sa batas dahil hindi sila nakipag-ugnayan sa […]
-
Muling nag-update sa kanyang kalusugan: KRIS, may malaking tsansa sa patuloy na paggaling
MULING nag-update si Kris Aquino tungkol sa kalagayan ng kanyang kalusugan. Patuloy na nakikipaglaban sa kanyang multiple autoimmune disorderstulad ng mga kundisyon na autoimmune thyroiditis and Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA) or Churg-Strauss Syndrome. Nitong lamang February 2, ilang araw bago ang kaarawan niya sa February 14, ibinahagi ni Kris na may […]