• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US companies, tinitingan ang trade, investment mission sa Pinas

UMAASA si Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez na makapagdadala ang mga awtoridad  sa Pilipinas  ng 100 top American companies para tingnan ang  investment opportunities sa bansa sa panahon ng “planned trade and investment mission” ng Washington.

 

 

“Hopefully we’ll have at least 100 of them coming to the Philippines to look at opportunities,” ayon kay Romualdez sa isang panayam.

 

 

Sa isang kalatas, may petsang Mayo 2, sinabi ng  White House na plano ni US President Joe Biden  na maglunsad ng  Presidential Trade and Investment Mission sa Maynila para mas lalo pang palalimin ang investment ng mga American firms sa “local economy, covering energy transition, critical minerals sector, at food security.”

 

 

Tampok dito ayon sa Estados Unidos ang “the highest caliber of” ng mga  business leaders nito.

 

 

Tinuran ni Romualdez na ito’y  magiging “big plus” para sa  Pilipinas , lalo na ngayon na kinokonsidera ito bilang “fastest growing economy” sa Asya  na may growth outlook na  6%  ngayong taon base sa pinakabagong  projections mula sa  International Monetary Fund.

 

 

“It’s an attractive place to invest now and I think this kind of interest is now even much stronger because of this revitalized relationship we have with the United States,” ayon kay Romualdez.

 

 

Maliban sa  commitments mula sa mga opisyal ng Amerika, winika ng Pangulo na ang kanyang  five-day official US visit ay nagtapos na may $1.3 billion, o mahigit sa  ₱72 bilyong halaga ng investment pledges na mayroong potensiyal na lumikha ng  6,700  bagong hanapbuhay para sa mga  Filipino.

 

 

Bago pa ang nasabing anunsyo, ipinabatid naman ng US-based pharmaceutical company Moderna kay Pangulong Marcos ang plano nito na gagawin nilang  Asian hub ang Pilipinas.

 

 

Inaasahan ayon kay Romualdez  na darating sa Pilipinas si Moderna General Manager Patrick Bergstedt  sa susunod na dalawang linggo para agad na masimulan ang proseso.

 

 

“The first part of their investment will be sort of like a commercial entity that they’ll set up in the Philippines to look at the distribution for the Asian region, bumping it up later on to doing research together with our new virology institute and at the same time manufacturing vaccines not only for potential pandemic, but mRNA technology is also going to be used a lot for cancer,” ang pahayag ni Romualdez.

 

 

Maliban dito, nabanggit din ng Malakanyang na seryosong kinokonsidera ng US-based firm Ultra Safe Nuclear Corporation ang pagtatayo ng kanilang kauna-unahang  nuclear energy facility sa Southeast Asia sa Pilipinas.

 

 

“If this pushes through, the nuclear power plant is seen to help the local energy sector,” ayon kay  Romualdez.

 

 

Nagresulta rin aniya ang opisyal na pagbisita ng Pangulo sa US ng “adoption of the two long-time allies’ new bilateral defense guidelines.”

 

 

Ani Romualdez, “this helped make the Mutual Defense Treaty “crystal clear” as the guidelines set the parameters on how the parties will proceed in terms of implementing the agreement.”

 

 

Bagama’t hindi na nakapulong pa ni Pangulong Marcos ang iba pang business leaders sa Estados Unidos dahil sa kakapusan na ng panahon, kinokonsidera naman ni Romualdez na ang  official visit ng Chief Executive ay “near perfect” lalo pa’t  karamihan sa kanilang mga plano ay napansin. (Daris Jose)

Other News
  • Biyuda ni Kobe Bryant ‘wagi sa kaso vs LA police

    GINAWARAN  ang naiwang asawa o biyuda ni Kobe Bryant na si Vanessa Marie Bryant ng $16 million bilang bahagi ng $31 million na hatol ng husgado laban sa Los Angeles County at mga bumbero na  nagpakalat ng mga larawan sa yumaong NBA star at sa 13-years old nilang anak pati na din sa ibang  nasawi  […]

  • 187,000 pamilya mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program, naalis na sa listahan

    INIULAT  ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umaabot na sa 187,000 pamilya na nasa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang naalis na.     Nagpaliwanag naman si DWSD spokesman Assistant Secretary Romel Lopez na ang naturang bilang ay maituturing na graduate na bilang “non-poor.”     Lumalabas din na […]

  • NDRRMC nakaalerto na kay Betty

    HANDA  na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa kanilang emergency preparedness and response (EPR) protocols at preparation para sa pananalasa ng bagyong Betty.     Ayon kay Civil Defense Administrator and NDRRMC Executive Director Ariel Nepomuceno, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensiya para masiguro na nakahanda na ang lahat […]