Utah Jazz, dumanas ng 44-pt loss sa kamay ng Kings
- Published on December 11, 2024
- by @peoplesbalita
DUMANAS ang Utah Jazz ng isa sa pinaka-matinding pagkatalo ngayong araw matapos itong tambakan ng Sacramento Kings ng 44 points.
Tinapos ng Kings ang laban, 141 – 97.
Sa unang quarter ng laban, sumabay pa ang Jazz at tanging tatlong puntos lamang ang naging lamang ng Kings. Pinilit ng Jazz na humabol ikalawang quarter ngunit lalo lamang tumaas ang kalamangan ng Kings sa 16 points
Pagpasok ng 3rd quarter, dinagdagan pa ng Kings ang kalamangan matapos magbuhos ng 43 points at tanging 29 points ang naiganti ng Utah. Sa pagtatapos ng naturang kwarter, hawak na ng Kings ang 31 points na kalamangan.
Hindi pa nakuntento ang Sacramento at pinaabot pa sa 44 points ang kalamangan sa pagtatapos ng huling quarter. Sa loob lamang ng 28 mins ay gumawa ng 19 pts, 12 rebs double-double performance ang sentrong si Domantas Sabonis. 26 points naman ang naging ambag ng shooter na si Kevin Huerter mula sa bench.
Hindi nakasabay ang Jazz sa magandang opensa ng Kings gamit ang 57% overall shooting percentage. Sa 3-pt line, naipasok ng koponan ang 50% ng mga tira nito (22/44).
Hindi rin naisalba ng 20 free throws ang Utah, sa kabila ng limang libre na iginawad sa Kings. Nasayang rin ang 25 na ginawa ni Collin Sexton sa pagkatalo ng naturang koponan.
Ito na ang ika-18 pagtalo ng Jazz ngayong season habang nananatili pa rin sa 500 ang Kings, hawak ang kartadang 12 – 13.
-
CHRISTIAN, parang lalamunin ng lupa sa mga papuring natanggap kay Direk JUN; bet na bet manalong Best Actor
DIREK Jun Lana reiterated na kung hindi si Christian Bables ang nakuha niya as lead actor ng Big Night ay hindi niya itutuloy ang pelikula. Magkasamang nanonood sa press preview ng movie sina Direk Jun at Christian. Ginagawa pa lang kasi ni Direk Jun ang script ng Big Night ay si Christian na ang gusto […]
-
Ads July 23, 2020
-
Quad panel sinabihan ang OSG mag file ng forfeiture cases laban sa mga POGO bosses
Iminungkahi ng House Quad Committee ang Office of the Solicitor General na maghain ng forfeiture cases laban sa mga top Chinese personalities na nakabili ng lupa sa Pampanga at nanawagan ng legal na aksiyon. Hinikayat din ng mga chairpersons ng House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, and Public […]