Utang ng gobyerno ng PH, lumobo sa P14.10T noong Mayo – Bureau of Treasury
- Published on July 6, 2023
- by @peoplesbalita
LUMOBO sa ₱14.10 trillion ang kabuuang utang ng pamahalaan sa pagtatapos ng Mayo ngayong taon ayon sa Bureau of the Treasury.
Ang halaga ay tumaas ng 1.3% o ₱185.40 bilyon mula sa nakaraang buwan dahil sa net issuance ng panloob at panlabas na utang gayundin ang pagbaba ng halaga ng piso kontra sa US dollar.
Karamihan sa utang o 68% ay galing sa panloob na utang ng bansa, habang 32% ay mga panlabas na utang.
Ang panloob na utang ng bansa ay tumaas sa ₱9.59 trillion na mas mataas ng 1.4% o ₱130.67 billion kumpara sa naitala noong pagtatapos ng Abril. Ang pagtaas sa domestic debt ay dahil sa net issuance ng government securities kasama ng paghina ng halaga ng peso laban sa greenback.
Samantala, ang panlabas namang utang ng bansa ay umabot sa ₱4.51 trillion, tumaas ito ng 1.2% o ₱54.73 billion mula sa nakaraang buwan. (ARA ROMERO)
-
Mas mabilis at maliksi ako kay Spence- Pacquiao
Matinding kalaban si Errol Spence Jr. na may bitbit na dalawang korona – ang World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight titles. Mas bata rin ang 31-anyos na si Spence kumpara sa 42-anyos na eight-division world champion Manny Pacquiao. Ngunit hindi ito hadlang para kay Pacquiao. […]
-
Jay Sonza, arestado sa illegal recruitment
DINAKIP ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dating broadcaster na si Jay Sonza makaraang masangkot sa syndicated at large-scale illegal recruitment. Isinuko ng BI sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sonza saka inilipat sa Bureau of Jail Management and Penology, ayon kay NBI Assistant Director Glenn Ricarte. […]
-
Kaya ‘di na makakasama sa ‘ASAP’ sa Las Vegas: SHARON, inaming tatlo sa pamilya ang nagka-Covid sa Australia
ANG dapat o nagsimula naman na masayang bakasyon ng Megastar na si Sharon Cuneta, kasama ang buong pamilya niya sa Australia ngayon ay nahaluan ng lungkot. Sa pag-uwi raw nila ng bansa, mukhang naka-caught sila ng COVID virus sa Australia. Ayon kay Sharon, tatlo raw sa family members niya ang positibo […]