UTOL NG KAGAWAD KULONG SA DROGA
- Published on September 10, 2021
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kulungan ang kapatid ng isang barangay kagawad matapos makuhanan ng mahigit P40,000 halaga ng illegal na droga makaraang masita dahil walang suot na face mask sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan City Police chief P/Col. Samuel Mina ang naarestong suspek na si Zandro Reyes, 48, construction worker ng Phase 2, Package 3, Barangay 176, Bagong Silang at kapatid ni Kagawad Sammy Reyes ng Brgy. 176.
Ani Col. Mina, dakong alas-7:40 ng gabi nang sitahin ang suspek ng nagpapatrolyang mga tauhan ng East Bagong Silang Police Sub-Station dahil walang suot na face mask habang naglalakad sa kahabaan ng Phase 2 Block 35.
Sa halip na sumunod, tinangkang tumakbo ng suspek para tumakas na naging dahilan upang habulin siya ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto.
Nang kapkapan, nakumpiska sa kanya ang isang medium size plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P41,000.00 ang halaga.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Dahil nagamit at ‘di pagrespeto sa official seal ng siyudad: AIAI, dineklarang ‘persona non-grata’ sa Kyusi kasama si Direk DARRYL
MAY resolusyon na ibinaba ang Quezon City na persona non-grata na ang Kapuso comedienne na si AiAi delas Alas at ang director na si Darryl Yap sa buong siyudad. Ang dahilan, dahil sa ginawa nilang content during election campaign kunsaan, gumanap si AiAi bilang si Ligaya Delmonte na tila pagpo-portray ng hindi […]
-
Sunud-sunod na sinagot ang mga isyu sa kanya… VICE GANDA, nagbirong aalis na sa ‘It’s Showtime’ kaya may contract signing
IKINALOKA ng mga netizens sa bagong pasabog ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda tungkol sa mga dahilan ng pag-absent niya sa “It’s Showtime” lalo na sa grand finals ng “Miss Q&A” last Saturday. Sunud-sunod ang naging Twitter post ng TV host-comedian para patulan ang tanong isang netizen na kung ano ang […]
-
‘House-to-house’ na kampanya ng Robredo volunteers, tunay na mukha ng pagkakaisa
ANG “house-to-house/person-to-person” na pangangampanya ng mga taga-suporta ng tambalang Robredo-Pangilinan ay ang “tunay na mukha ng pagkakaisa,” ayon kay dating senador Antonio Trillanes. Aniya, ang umaarangkadang “Pink movement” ay lalong pinatindi ng libu-libong taga-suporta mula sa iba’t ibang antas ng lipunan na boluntaryong lumabas sa kalsada at pumunta sa mga komunidad. […]