Utos ni PBBM: LET’S PREPARE FOR THE NEXT FLOOD
- Published on July 29, 2024
- by @peoplesbalita
NGAYON pa lamang ay ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa national at local governments na paghandaan na ang susunod na pagbaha habang ang bansa ay nahaharap sa La Niña phenomenon.
“Let’s prepare for the next flood. This is the first typhoon sa La Niña. Mahaba pa ‘to. So, we have to prepare for that. Let’s think about preparing for that,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa situation briefing sa Mauban, Quezon, araw ng Biyernes.
Makikita sa report ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ang munisipalidad ng Agdangan sa Quezon ay matinding tinamaan ng mga bagyong Aghon, Carina at ng southwest monsoon (habagat).
Sa kabilang dako, tinatayang 986 pamilya o 4,324 indibiduwal ang apektado ng Carina. May kabuuang 968 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kamag-anak o kaibigan. Ang bagyo rin ang dahilan ng paghinto ng operasyon sa seaports sa Real, Infanta, Polilio, Patnanungan, Jomalig, at Burdeos.
Nais din ng Pangulo na i-assess ang mga mahahalagang pagbabago sa flooding patterns sa lalawigan.
“We’re trying to assess what are the significant changes because all our flood control projects are projects that are in response to the – ‘yung mga flooding noon,” ayon kay Pangulong Marcos.
Samantala, matapos bisitahin ang Quezon province, binisita naman ng Pangulo ang mga residenteng apektado ng bagyong Carina sa Rizal.
(Daris Jose)