• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utos ni PBBM sa DILG, tiyakin ang mapayapa at maayos na halalan, 2025

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Interior and Local Government (DILG) na tiyakin ang mapayapa at maayos na halalan sa susunod na taon.

 

 

“The most immediate here is the elections,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa sectoral meeting, araw ng Martes sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Sa naturang pulong, sinabi ni DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla Jr. kay Pangulong Marcos na magsasagawa ng isang special meeting ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno gaya ng Commission of Elections (Comelec), Department of National Defense (DND), Philippine National Police (PNP) at DILG sa Nov. 15 para talakayin ang mga hakbang para sa naging direktiba ng Punong Ehekutibo.

 

 

Ang kautusan ng Pangulo ay sa gitna ng ulat na may ilang lugar ang may mga kaso na ng karahasan.

 

 

Gayunman, hindi pa kumpirmado ang mga kasong ito kung ito ay election-related.

 

 

Samantala, sinabi ng Pangulo na nais niyang makausap ang mga pamilya at liderato ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa mapayapa at maayos na halalan.

 

 

“Magtanong na rin tayo sa mga magiging leadership ng BARMM. We can ask the chief minister what he thinks,” ang tinuran ng Pangulo.

 

 

“Same thing, we talk to the families. We talk to the families what they think. I’m interested to hear what they have to say. Hindi pa natin sila kinokonsulta about this,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi naman ni Remulla na mahigpit silang nakikipagtulungan sa lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) para siguraduhin na ‘no election-related violence’ na mangyayari. ( Daris Jose)

Other News
  • DILG kumanta na: Espenido pasok sa narco list

    KINUMPIRMA ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kasali si Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido sa drug watchlist ng pamahalaan.   “Yes, that’s true and he will also undergo validation and possible investigation,” saad ni Año.   Una nang itinangging aminin o i-deny ni Philippine National Police (PNP) chief Police […]

  • PGH, handa nang tumanggap ng kahit na anong brand ng Covid- 19 vaccine

    HANDA ang Philippine General Hospital (PGH) na tumanggap ng kahit na anumang brand ng coronavirus vaccine.   “Kung anuman ang unang bakunang darating ay tatanggapin namin at ang aming batayan sa pagtatanggap nito ay ang EUA (Emergency Use Authorization) na ibibigay ng ating FDA (Food and Drug Administration),” ayon kay PGH director Dr. Gerardo Legaspi. […]

  • Susuportahan ni ex-Pres. Duterte ‘pag nag-senador… Update sa ‘Vagabond 2’ ni LEE SEUNG GI, inaabangan mula kay Manong CHAVIT

    ANO na kaya ang latest update sa sequel ng ‘Vagabond’, ang action thriller K-drama na pinagbidahan nina Bae Suzy at Lee Seung Gi na pinalabas noong September 20 hanggang November 23, 2019?         Naibalita last April na ang ‘Vagabond Season 2’ ay nakatakdang mag-shoot sa bansa natin, na kung saan sinasabing muling […]