Vaccination centers sa mga schools para mapabilis ang vax rollout bago magsimula ang klase
- Published on August 15, 2022
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga local government unit (LGU) executives na makipagtulungan sa Departments of Education (DepEd), Health (DOH) at Interior and Local Government (DILG) sa paglalagay ng mga anti-Covid 19 vaccine centers sa kani-kanilang lokalidad, bilang suporta sa isinusulong ng Malacañang na masiguro ang ligtas na pagbabalik klase ngayong pasukan.
“Alongside providing the necessary assistance to public and private schools in preparation for the start of face-to-face and online learning modes on Aug. 22, local executives should team up with the DepEd, DOH and DILG in setting up in schools vax centers for primary and booster shots against the coronavirus ASAP, to better protect our students and their teachers this upcoming school year against the current and future surges in Covid-19,” ani Villafuerte.
Sinabi ng mambabatas na makakatulong ang LGU para sa mabilis na vaccine rollout ay mabakunahan ang mga mag-aaral at teenagers na hindi pa natuturukan ng primary o booster shots laban sa coronavirus, sa pamamagitan ng pag-aalis ng Covid-19 quarantine o isolation facilities na inilagay sa mga paaralan noong panahon ng pandemic at paglalagay ng vax sites sa mga naturang educational institutions.
Isang tugon na rin aniya ito sa apela ni Presidente Marcos na makumpleto ang primary o booster shots ng publiko lalo na ang mga kabataan laban sa Covid-19 upang mas maprotektahan ang mga ito.
Nakatakdang magsimula ang klase sa Agosto 22 na bubuuuin ng pinagsamang face-to-face sessions at online teaching modes. Inihayag din ng DepEd na ang full face-to-face classes mula Lunes hanggang Biyernes sa lahat ng elementary at high schools ay magsisimula ngayong Nobyembre.
Sa ngayon, ang lahat ng adults at minors na nasa edad 12-17 anyos ay maaaring magpaturok para sa unang booster shot habang ang mga batang 5- 11 taong gulang ay eligible naman sa two-dose primary shots.
Ayon sa DepEd, mahigit sa 16 million ang nakapag-enroll para sa school year 2022-2023, hanggang nitong Agosto 5.
Sa nasabing bilang, ang kindergarten ang siyang may pinakamalaking bilang ng enrollees na nasa 1,060,138; sinundan ng Elementary (Grades 1-6) na may 7,376,586; Grades 7-10 (Junior High School) na 5,179,673 enrollees; at Grades 11-12 (Senior High School), na 2,412,855.
Inaasahan na madadagdagan pa ang bilang ng enrollees bago magsimula ang klase sa Agosto 22. (Ara Romero)
-
KELLEY DAY, ready nang mag-compete sa ‘Miss Eco International 2021’ sa Egypt
READY nang mag-compete si Kelley Day sa Miss Eco International 2021 sa Egypt ngayong April. Ayon kay Kelley, matagal daw siyang nag-prepare for the pageant noong hindi ito natuloy last year dahil sa COVID-19 pandemic. Ngayon ay naayos na ang lahat ng fittings niya para sa mga isusuot niyang gowns sa pageant. […]
-
PDU30, bababa sa pwesto na pinaka-popular na pangulo – Publicus Asia Survey
75% NA approval rating ang nakuha ni Pang. Rodrigo Duterte batay sa pinakahuling survey ng Publicus Asia. Sa isinagawang survey ng Publicus Asia sa 1,500 respondents mula June 16-22 taong kasalukuyan, lumalabas na 75% sa kanila ay ‘approve’ o ‘strongly approve’ sa performance ni Pang. Duterte sa nakalipas na halos 6 na taong […]
-
Two Young Souls Navigate the Unpredictable Twists and Turns of Fate in “When Magic Hurts”
‘WHEN Magic Hurts’ is a romantic comedy film about a docile young guy, Ernest (played by Beaver Magtalas) and a miserable girl, Olivia (played by Mutya Orquia) stumble upon each, other in the breathtaking mountains of Atok, Benguet and find comfort mutually with the help of love and magic. Synopsis: “In the stunning Atok […]