• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vaccination itataas sa 100% ng populasyon

Maaaring itaas ng pamahalaan ang kanilang COVID-19 immunity target mula 70% hanggang 100% ng populasyon ng bansa dahil sa patuloy na pagsulpot ng mga COVID-19 variants.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, unang itinakda ang 70% herd immunity target para lamang bigyang-proteksyan ang publiko sa mga tao mula sa severe infection ng orihinal na virus strain o SARS-CoV-2.

 

 

“Yung 70% ’yun ’yung sa original strain ng virus natin ’yung SARS-CoV-2. Ngayon nagkakaroon ng maraming variant, kailangan taasan ang herd immunity. In fact, target natin 90% or kung puwede 100%,” paliwanag ni Vega.

 

 

Sa datos ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, mahigit 37 milyong katao na ang fully-vaccinated hanggang nitong Disyembre 4.

 

 

Bunsod naman ng banta ng Omicron variant sa bansa, hinikayat muli ni Vega ang publiko na magpabakuna na.

 

 

Iginiit niya na epektibo pa rin ang mga bakuna maging sa Omicron variant dahil sa maiiwasan ang malubhang epekto ng COVID-19 at pagpapaospital. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Gilas todo kayod na sa ensayo

    PUKPUKAN na sa ensayo ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang first window ng FIBA World Cup Qualifiers na papalo sa Peb­rero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.     Kasama na ng Gilas Pilipinas pool ang mga players ng Talk ’N Text Tropang Giga matapos ang mga laro nito sa PBA Season 46 Govenors’ […]

  • KAILANGAN ang MALINAW na POLISIYA sa PAGSUOT ng FACE SHIELD sa PUBLIC TRANSPORT!

    Ordinansa ng mga LGU na nagmumulta o nagpapataw ng parusa sa walang faceshield. Kailangan ba?     Nabuksan ulit ang issue ng mandatory na pagsusuot ng faceshield nang mag-viral ang panghuhuli ng ilang enforcers sa mga pasahero ng bus kung saan ay pinababa ang mga pasahero at minultahan ang mga ito base sa isang ordinansa. […]

  • DENZEL WASHINGTON’S ROBERT MCCALL IS A MAN ON THE VERGE IN “THE EQUALIZER 3”

    DENZEL Washington is back as Robert McCall, and in The Equalizer 3 McCall’s story reaches a conclusion.      In the third and final film of the trilogy, it becomes clear that while working on behalf of the people who need him has provided Robert McCall with some solace, it still means that he is a man […]