Vaccination program ng pamahalaan kontra COVID-19, apektado ng laganap na fake news
- Published on June 16, 2021
- by @peoplesbalita
Nababahala si NASSA/Caritas Philippines board member at Archdiocese of Cotabato Social Action Director Rev. Fr. Clifford Baira sa lakas ng paglaganap ng fake news maging sa malalayong nayon at lugar ay madaling naaabot nito.
Ayon kay Fr. Baira, nakakalungkot na ang maling impormasyon ay nakakapasok maging sa mga nasa kabundukan at liblib na lugar.
“Iyon truth ay parang pagong pero kapag fake news nakaka-abot hanggang bundok mas malakas ang takbo ng fake news kumpara sa kung ano ang katotohanan.”pahayag ni Fr. Baira sa panayam ng Radyo Veritas.
Inihayag ng Pari na ang paglaganap ng fake news ay malaking suliranin lalo na sa kampanya laban sa pandemya at mga programa upang wakasan ito gaya ng pagpapabakuna.
“Ang dami talaga doubts at fear dahil sa fake news” pahayag ni Fr. Baira sa panayam ng Radyo Veritas.
Umaasa ang Pari na sa pagtutulungan ng mga kinauukulan at mga eksperto sa larangan ng medisina ay maibaba ang tamang impormasyon lalo na sa mga nasa nayon at mga liblib na lugar.
Tiniyak ni Fr. Baira na nakahanda ang Simbahan at mga Parokya sa mga lalawigan na makipagtulungan upang maipahatid ang katotohanan lalo na sa mga mahahalagang usapin sa ating bansa.
“Hopefully ma-cascade ito pababa dahan-dahan para more or less magkaroon ng immediate impact sa grounds” dagdag pa ng bagong halal na Board member ng Caritas Philippines.
Magugunitang nagsimula na ang roll out ng vaccination ng iba’t-ibang LGU’s para sa mga nasa A4 category o yun mga lumalabas ng tahanan para pumasok sa kani-kanilang mga trabaho.
Batay sa datos, umaabot pa lamang sa 4 na porsyento mula sa mahigit 110-milyon populasyon ng Pilipinas ang nabakunahan ng unang dose habang nasa 1.4 percent ang nakatanggap na ng 2 shots o yung tinatawag na ‘fully vaccinated’.
Sa survey na inilabas ng Social Weather Station 1/3 lamang ng 1,200 Pilipino ang pumapayag na magpabakuna sa kabila ng mga impormasyon at pagpapaliwanag na ginagawa ng pamahalaan sa idudulot nito upang wakasan ang suliranin sa Covid19.
Unang nanawagan ang ilang mga Obispo sa Pilipinas at mga lider ng Simbahang katolika na magpabakuna ang mga mananampalataya upang labanan ang pandemya.
-
Priority ang mas malusog, mas masayang pamumuhay: VICE, ipagdarasal na humaba pa ang buhay ng pinakamamahal na ina
PORMAL na sinalubong ng Santé International, isang global lider ng mga organic health at wellness products, si Vice Ganda bilang pinaka-bagong mukha ng Santé Barley. Binuo ng Santé International ang reputasyon nito bilang isang pinagkakatiwalaan na pangalan sa larangan ng health and wellness. Handog ng Santé ang mga dekalidad na barley-based na mga produkto na […]
-
PNP nagbabala sa publiko laban sa crypto investment scam
NAGBABALA ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay sa mga naglipanang crypto investment scam. Ito’y kasunod sa pag-release ng government and private companies ang bonuses at 13th month pay ng mga empleyado. Ayon sa PNP, pinaigting na ng ilang mga indibidwal at maging ng ilang grupo ang kanilang modus […]
-
Kahit natuldukan na sa post ang pagsuporta: KC, inuudyukan na umuwi para makatulong sa campaign ng LENI-KIKO tandem
KUNG iniisip man siguro ng karamihan na tila walang pakialam o suporta si KC Concepcion sa kampanya ng kanyang “dad” o step-father na si Senator Kiko Pangilinan sa pagka-Bise Presidente, sa isang Instagram post lang niya ay tila natuldukan na ito agad. Marami ang natuwa base sa nababasa naming comments sa pagpu-post ni […]