Vaccine czar Carlito Galvez jr, nagpakita ng pruweba na hindi kulelat ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo kung pagbabakuna ang pag-uusapan
- Published on September 28, 2021
- by @peoplesbalita
NAGPAKITA ng katibayan si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpapatunay na hindi nahuhuli o kulelat ang Pilipinas sa pagtuturok ng bakuna.
Ang hakbang ay ginawa ni Galvez sa gitna ng puna na mabagal daw ang pamahalaan sa vaccination efforts nito.
Sa presentasyong inilatag ni Galvez sa Pangulo, sinabi nitong sa 2 daan at limang mga bansa ay nasa ika 21 ang ranking ng bansa sa usapin ng pagbabakuna.
Ani Galvez, nasa top 3 ang Pilipinas sa ASEAN habang sa 47 Asian countries dagdag ng Kalihim ay nasa number 11 ang Pilipinas na kasingkahulugan aniya na nasa upper 20 % ang bansa.
“Sir, marami pong nagsasabi na mabagal po tayo na magbakuna. Iyon nga minsan nga po nag-recommend po ‘yung mga iba na nakikita na masyadong mabagal daw ‘yung ating pagbabakuna. Kung makikita po natin tayo po is number 21st out of 205 countries,” ayon kay Galvez.
“Ito po nasa ano po tayo, 10 percent po na nasa upper 10 — 10 percent po tayo ng mga bak — mga countries sa pagbabakuna. And then number 11 po tayo out of 47 Asian countries, meaning nasa upper 20 percent po tayo — 23 percent ah sa 11, 12 — sa 47, and then also, top 3 po tayo sa ASEAN,” dagdag na pahayag nito.
Pinasalamatan naman ni Galvez dito ang LGUs at private sectors gayundin ang national government na aniyay nagtutulungan sa pagbabakuna at maabot na ang tagumpay sa vaccination campaign ng pamahalaan. (Daris Jose)
-
PBA tatapusin ang elims sa Pampanga
Target ng PBA management na tapusin na muna ang eliminasyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga bago ibalik ang mga laro sa NCR. Inilagay na sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR simula sa Setyembre 8 hanggang 30. Kaya naman posibleng bumalik na sa NCR ang liga sa […]
-
Chopper deal sa Russia, matagal ng kanselado-PBBM
WALANG balak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itulak pa ang $38-million military helicopter contract sa Russia na kinansela ng nagdaang administrasyon. Tinanong kasi si Pangulong Marcos kung may balak pa itong itulak ang kasunduan kasunod ng panawagan mula kay Ambassador Marat Pavlov na dapat lamang na igalang ng gobyerno ng Pilipinas ang […]
-
National Public Transportation Coalition (NPTC), itinatag
SA unang pagkakataon ay nagsama-sama ang iba’t bang grupo sa sektor ng transportasyon upang itatag ang National Public Transport Coalition (NPTC). Mula sa motorcycle-for-hire, tricycles, pampasaherong jeep, UV express, TNVS, taxi, at bus, trucks, at iba pang uri ng public transport, ay nagkaisang susuporta sa bawat isa pagdating sa mga issues na makakaapekto sa […]