• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valdez hindi pa magreretiro

Wala pa sa isip ni volleyball superstar Alyssa Valdez ang magretiro dahil nakabalik na ang perpek­tong kundisyon nito para sa mga susunod na laban na haharapin nito.
Hindi maikakaila na si Valdez na tinaguriang The Phenom of Philippine volleyball, ang isa sa dahilan upang mas lalo pang uma­ngat ang volleyball sa bansa.
Makailang ulit itong humakot ng kampeonato sa collegiate level maging sa professional volleyball kasama pa ang kaliwa’t kanang MVP trophies at individual awards.
Kaya naman mahal ito ng volleyball community.
Ngunit noong nakaraang taon, halos hindi nasilayan sa aksyon sa buong season si Valdez matapos magtamo ng injury.
Madalas lamang itong nakikita sa bench ng Creamline Cool Smashers sa PVL dahil nasa estado ito ng rehabilitasyon. Hindi nilinaw ni Valdez kung ano ang eksaktong injury na tinamo nito.
Ibinahagi lamang nito na sumailalim ang veteran outside hitter sa isang procedure na nangangailangan ng sapat na pahinga upang tuluyang gumaling ang kanyang injury.
At sa taong ito, muling nagbalik sa court si Valdez kung saan nakapaglaro na ito para sa Cool Smashers na nasa q’finals  ng PVL All-Filipino Conference.
Other News
  • CARLA, magiging aligaga na sa paghahanda sa kasal nila ni TOM sa October

    MUKHANG aligaga na si Kapuso actress Carla Abellana dahil hindi na magtatagal at ikakasal na sila ng fiancé niyang si Kapuso actor Tom Rodriguez.     Pero heto at naka-lock in taping pa siya sa bago niyang teleserye na To Have And To Hold, with Max Collins and Rocco Nacino.      Updated nga ni […]

  • Malakanyang, ipinag-utos ang suspensyon ng pagtataas sa insurance premiums ng PhilHealth, pagtataas sa sahod

    IPINAG-UTOS ni Pangulong  Ferdinand Marcos, Jr. ang suspensyon ng bagong premium contribution rates ng  Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ang  income ceiling para ngayong taon ng  2023.     Ang katuwiran ni Executive Secretary Lucas Bersamin, patuloy pa rin kasing nakikipagpambuno ang mga Filipino sa mga economic challenges sanhi ng  COVID-19 pandemic.     […]

  • MIGUEL at YSABEL, pinaghandaan ang pagganap bilang Steve at Jamie; kumpleto na ang mga bida ng ‘Voltes V: Legacy’

    KUMPLETO na ang limang bida ng Voltes V: Legacy dahil ini-reveal na last Wednesday ng GMA Network sa 24 Oras ang napiling magbibigay buhay kina Steve Armstrong at Jamie Robinson.      Si Miguel Tanfelix nga ang napiling gumanap bilang Steve, ang Voltes team leader at piloto ng Volt Cruiser at si Ysabel Ortega naman […]