• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela LGU nagbigay ng 63 bagong vans sa mga paaralan

PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian, kasama si Senator WIN Gatchalian ang pagbabasbas at turnover ng 63 mga bagong WIN Serbisyo Van sa Puregold Dalandanan Parking Grounds para sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

 

Ang naturang mga van ay nagkakahalaga ng P69,293,700, na nabili sa pamamagitan ng pagpopondo ng opisina ni Senator Win at ipapamahagi ang mga ito sa ilang pampublikong paaralan sa lungsod upang suportahan ang pangangailangan sa transpormasyon ng mga paaralan para sa iba’t ibang aktibidad nito.

 

Layunin ng pamahalaang lungsod na tiyakin ang mas maayos na pang-araw-araw na operasyon ng mga paaralan na magbibigay ng de-kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.

 

“Ang buhay ng mga guro ay hindi humihinto sa pagtuturo. Kaya sana ay makatulong ang mga sasakyang ito sa inyong mga extra-curricular activities at sa mga iba pang operation. Kaya naman pinagtulungan natin ito para magkaroon kayo ng kanya kanyang mga service vehicles. Abangan din po ninyo ang bago nating schools division office, ito po ay mayroon ding mga training centers, breakout rooms, auditorium, para sa ating mga teachers. Kaya sana ay maging mas maayos at maginhawa ang ating mga trabaho para sa edukasyon ng ating mga kabataan.” pahayag ni Senator Win.

 

“In celebration of teacher’s day, ang ating pagbigay-pugay sa ating mga teachers ay bilang pasasalamat sa inyong paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan. Hindi po sapat ang ganitong mga sasakyan dahil importante po kung ano ang hinaharap para sa ating edukasyon kaya abangan po ninyo ang ating bagong central kitchen, at tatlong bagong ValACE sa Barangay Gen. T. De Leon, Marulas, at Mapulang Lupa.” sabi naman ni Mayor Wes.

 

 

Ang inisyatibang ito ay muling pinatunayan ng Lungsod ng Valenzuela ang pangakong palalakasin pa ang sektor ng edukasyon para matiyak na may sapat na kagamitan ang mga pampublikong paaralan na tutugon sa mga pangangailangan ng mga guro at mga mag-aaral. (Richard Mesa)

Other News
  • Experience The Best Of British Theater A Second Time Around with New CCP NTL Season

    A bigger, brighter, and bolder second season of the Cultural Center of the Philippines’ National Theatre Live (CCP NTL) is set to delight its devoted Filipino audiences with a new lineup of world-class stage plays filmed live from Britain’s most exciting stages.       After a successful first season boasting waves of support from […]

  • Ads July 31, 2024

  • Kodigo pinapayagan ng Comelec sa pagboto

    PINAPAYAGAN  at hinihi­kayat pa ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na magdala ng kanilang mga kodigo ng mga ibobotong kandidato sa mga ‘voting precincts’ sa araw ng halalan sa Mayo 9. Sinabi ni Elaiza David, Director III ng Election and Barangay Affairs Department ng Comelec, na importante na dokumento ang pagdadala ng botante […]