Valenzuela namahagi ng cash subsidy at groceries sa mga Solo Parents
- Published on April 30, 2024
- by @peoplesbalita
BILANG bahagi ng paggunita ng Solo Parents’ Day, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng cash subsidy, grocery gift certificates at nego-cart sa mga kwalipikadong solo parents na ginanap sa People’s Park Amphitheatre at WES Arena.
Nasa 4,583 rehistradong solo parents ang pinarangalan at kinilala sa kanilang katatagan sa pagpapalaki ng kanilang sariling pamilya, alinsunod sa City Ordinance No. 1087, Series of 2023, na nagdedeklara sa ikatlong linggo at ikatlong Sabado ng Abril ng bawat taon bilang Solo Parents’ Week at National Solo Parents’ Day
Sa isang linggong pagdiriwang, namahagi ang pamahalaang lungsod ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong 487 solo parents na nagkakahalaga ng PhP 1 Million sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act o RA 11861.
Ayon sa batas, ang mga karapat-dapat na solo parents na kumikita ng minimum wage at mas mababa ay may karapatan sa PhP 1,000 cash subsidy kada buwan, kaya ang Valenzuela ang unang Lungsod sa National Capital Region ang namahagi ng nabanggit na benepisyo.
Bukod sa tulong pinansyal, pinangunahan din ni Mayor WES Gatchalian ang dalawang araw na pamamahagi ng PhP 500 grocery gift certificates sa mga solo parents sa lungsod at mga negosyo cart na tinatawag na nego-carts na nagkakahalaga ng PhP 30,000 bawat isa.
Ang Valenzuela LGU ay nagpahayag ng kanilang pangako na suportahan ang bawat miyembro ng Pamilyang Valenzuelano lalo na ang Solo Parents, at patuloy na tugunan ang kanilang mga pangangailangan at alalahanin sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang aktibidad at hakbangin.
Para sa mga solo parent na hindi pa nakapag-parehistro sa Valenzuela, hinihikayat sila ng pamahalaang pungsod na mag-sign up para sa Solo Parent ID kung saan maaari silang bumisita sa City Social Welfare and Development Office sa City Hall, o sa Solo Parents Valenzuela Office. (Richard Mesa)
-
1 kaso ng South African variant naitala sa PGH
Naalarma ang mga healthcare workers ng Philippine General Hospital (PGH) makaraang biglaang sumirit ang kaso ng COVID-19 kabilang ang isang kaso ng South African variant. Sinabi ni PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na nakapagtala na ng 105 bagong kaso ng COVID-19 nitong nakaraang Sabado. Ito na ang pinakamalaking bilang na naitala sa […]
-
Trudeau nanawagan sa mga truckers sa Ottawa na tigilan na ang pagsasagawa ng protesta
NANANAWAGAN si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na tigilan na ng mga truckers ang ginagawa nilang kilos protesta. Sinabi nito na labis siya ng nagulat at dismayado sa ibang pag-uugali ng mga protesters. Ilan sa mga dito ay ang vandalism at racial abuse. Dagdag pa ng Canadian Prime Minister […]
-
Aces, Bolts, Hotshots, NLEX magsisibalikwas
BABAWI sa unang mga pagsemplang ang apat na koponan sa pang-apat na araw ngayon ng 45 th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 elimination round bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga. Magbabanatan sa tampok na giyera sa alas-6:45 nang gabi ang Magnolia Chicken Hotshots (0-1) at North […]