Valenzuela, nasungkit ang pangalawang Seal of Good Local Governance
- Published on December 11, 2024
- by @peoplesbalita
MULING nag-uwi ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ng pinakaaasam na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel.
Ang Valenzuela ay isa sa 14 na Lungsod sa National Capital Region, at isa sa 96 na lungsod sa buong Pilipinas na kinilala sa pagpasa sa “All-in” assessment approach ng sampung (10) governance areas, katulad ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; BusinessFriendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; and Youth Development.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang kanyang mainit na pagbati sa mga awardees, “Congratulations sa lahat ng awardees. Make this a symbol that you ran a good government – you ran a clean government and an effective government.” aniya.
Bilang isa sa mga awardees, ang Valenzuela ay mag-uuwi ng prestihiyosong SGLG marker kasama ang SGLG Incentive Fund na PhP 2 Million para sa antas ng lungsod upang tustusan ang mga high-impact local development projects na sumusuporta sa sampung lugar ng pamamahala.
Kinilala naman ni Mayor WES Gatchalian ang lahat ng mga department head at mga empleyado ng city hall na nagsumikap hindi lamang para makuha ang selyo kundi palaging ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang mapagsilbihan ang mga Valenzuelano.
Ang pagkilalang ito ay isang patunay ng dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod sa paghahatid at pagtataguyod ng mabuting pamamahala, integridad, at namumukod-tanging serbisyo publiko sa lahat ng oras para sa bawat Pamilyang Valenzuelano. (Richard Mesa)
-
De Guzman naaatat nang umarangkada
MALAKING perwisyo para sa mga atleta ang mag-iisang taon na sa Marso na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa mundo at sa bansa dahil sa kanseladong mga sporting event. Ilan na rito ang triathlon, swimming, cycling, running at iba. Kaya naman katulad ng kapwa niya mga manlalaro, miss na ring tumakbo […]
-
ALDEN, na-sad na ‘di kasama ang pamilya sa pagsi-celebrate ng Christmas, New Year at birthday sa Amerika; tuloy na ang lock-in shooting nila ni BEA
SIMULA kagabi muling napapanood si Asia’s Multimedia Star Alden Richards at ang buong cast ng GMA Primetime series na The World Between Us, sa kanilang season returns. Kaabang-abang ang new look ni Alden na tinawag na “Alden 2.0” dahil ibang-iba na ang character niya bilang si Louie Asuncion, na para na siyang isang […]
-
Sec. Roque, walang ideya kung mag-State Visit ang Pangulo sa ilalim ng liderato ni US President-elect Joe Biden
WALANG ideya si Presidential spokesperson Harry Roque kung may plano si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bisitahin ang Estados Unidos sa ilalim ng liderato ni President-elect (Joe) Biden bago matapos ang termino nito sa 2022. “Wala po akong nalalaman ‘no at siyempre po iyan naman po ay sang-ayon din sa magiging imbitasyon nitong si […]