Validators, ide-deploy para sa food stamp program-DSWD
- Published on May 14, 2024
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG mag-deploy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga validators para sa rehistrasyon at balidasyon ng 300,000 target na pamilya bilang paghahanda sa ‘full-scale implementation’ ng ‘Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” sa darating na Hulyo.
Sinabi ni DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay na ang programa ay mayroong three- to four-year run kung saan ang gobyerno ay magbibigay ng karagdagang pagkain para sa mga tinukoy na isang milyong food-poor families, o limang milyong indibiduwal.
“We already hired the needed staff in our areas of implementation, 10 regions po ‘yun and 21 provinces na 300,000 ‘yung families ang ating target,” anito.
Sinabi pa ni Punay na ang ahensiya ay mag ha-hire ng mas mababa sa 1,000 validators sa mga pangunahing lugar.
Aniya pa, ang pilot implementation, kabilang ang 3,000 na pamilya ay nagsimula noong nakaraang Disyembre at nakatakdang tapusin ngayong buwan.
Ang pondo sa pamamagitan ng $3-million grant ay mula sa Asian Development Bank (ADB), ang programa na magbibigay ng electronic benefit transfer (EBT) cards na may kargang food credits na nagkakahalaga ng P3,000 kada buwan para pambili ng piling nakalista na food commodities mula DSWD-registered o accredited retailers.
Ang bulto ng food credits ay nakalaan sa carbohydrate-rich foods ghaya ng bigas na P1,500, 30% para sa protina gaya ng kartne na P900, at 20% para sa prutas at gulay, oil, asin, at magingcondiments na P600.
Sa kabilang dako, tatakbo ang programa ng hanggang 2027 at nangangailangan ng P40 billion, target kasi nito ang isang milyon na food-poor families o iyong mga kuimikita na mas mababa sa P8,000 kada buwan.
Samantala, unti-unti namang itataas ng DSWD ang bilang ng mga benepisaryo mula 300,000 sa unang taon hanggang 300,000 sa pangalawang taon at 400,000 sa pangatlong pagkakataon, may kabuuang isang milyon na food-poor household beneficiaries. (Daris Jose)
-
Pinas nakapagtatala ng 55 kaso ng HIV kada araw-Sec Herbosa
TUMAAS ang bilang mga bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas. Sa katunayan, nakapagtatala ang departamento ng 55 bagong kaso ng HIV kada araw. ”We have about 59,000 people living with HIV… That’s still low for a country with 110 million. But ang ating mataas is new cases, 55 […]
-
PSC Comm. Ramon Fernandez, chef de mission sa 2021 SEA Games
Pormal na inanunsyo ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagkakatalaga kay PSC Commissioner Ramon Fernandez bilang Team Philippines’ Chef de Mission para sa 2021 Southeast Asian Games. Una nang sinabi sa Bombo Radyo ni Fernandez na handa siyang alalayan ang mga manlalaro, para mapapanatili ng Pilipinas ang hawak na mga titulo. Pormal […]
-
60-anyos retirement age sa DepEd employees, isinulong
PARA masuportahan ang pamahalaan sa plano na i-streamline ang burukrasya, isinusulong ni Sen. Chiz Escudero ang panukalang gawing mandatory ang pagreretiro ng mga kawani ng Department of Education (DepEd) sa edad na 60-anyos mula sa kasalukuyang 65 taong gulang. Sa Senate Bill no. 58 o ang New Department Retirement Act na inihain ni […]