• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Validity ng student permits, driver’s licenses pinalawig ng LTO hanggang Marso 31

Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng student permits, pati na rin ang lisensya ng mga drivers at konduktor, hanggang Marso 31.

 

Ang extension na ito ay valid para sa mga indibidwal na may edad na 17 hanggang 20-anyos, pati na rin sa mga 60 pataas.

 

Ang student permit at driver’s at conductor’s licenses sa age groups na ito ay papalawigin dahil required silang manatili sa loob ng kanilang bahay sa kasagsagan ng quarantine period bunsod ng COVID-19 pandemic.

 

Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolution No. 79, ang mga indibidwal na 15 hanggang 20-anyos, pati na rin ang mga higit 60, ay maari lamang lumabas ng bahay para sa essential travel.

 

Ito na ang ikatlong pagkakataon na pinalawig ng LTO ang validity ng ilan sa mga lisensya na kanilang iginawad dahil sa prolonged restrictions sa gitna ng pandemya.

Other News
  • Tatum: 7th 50 point game

    Hindi umubra ang diskarte ng Charlotte Hornets matapos nitong malasap ang pagkatalo laban sa nangunguna pa rin sa Eastern Conference ng National Basketball Association na Boston Celtics ngayong araw.   Tinalo ng Celtics sa kanilang game 3 ang Hornets sa score na 130 – 118.   Pinangunahan ng star player ng Celtics na si Jayson […]

  • Pastor Apollo Quiboloy nasa wanted list na ng FBI

    NASA wanted list na ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si Kingdom of Jesus Christ (KJC) founder at pastor Apollo Carreon Quiboloy at dalawang miyembro ng simbahan.     Sa inilabas na wanted poster ng FBI, makikita ang larawan ni Quiboloy, Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag.     Nahaharap kasi sa kaso si Quiboloy […]

  • Pabuya sa makakapagturo sa salarin, bigay ng mambabatas sa brutal na pagpaslang sa dayuhan

    NAG-ALOK alok ng P100,000 pabuya ang isang mambabatas para sa makakapagbigay impormasyon sa naganap rape-slay sa Boracay, Aklan. Ang pabuya ay mula sa tanggapan ni Aklan Rep. Teodorico Haresco, Jr. kaugnay sa brutal na pagpaslang sa isang Slovakian tourist sa Boracay. Sa pakikipagpulong ng mambabatas sa pulisya, nabatid nito na dalawa ang tinukoy na persons […]