• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valientes tututukan ang programa sa grassroots

ITUTUTOK nina Zamboanga Valientes co-owners Mike Venezuela at Junnie Navarro ang kanilang programa sa grassroots development ng kanilang probinsya para makadiskubre ng mga future basketball heroes.

 

 

Ang Zamboanga ang pinagmumulan ng mga future basketball stars sa mga nakalipas na taon kagaya nina grand slam champions Mark Barroca at Bai Cristobal, many-time titlist Sonny Thoss at RR Garcia at Jonathan Parreno na nakapaglaro at kasalukuyang naglalaro sa PBA.

 

 

Kaya maraming natatanggap na imbitasyon sina Venezuela at Navarro para maglaro ang Valientes team sa ibang bansa.

 

 

“There were invitations and they want us to bring homegrown talents from Zamboanga, so we’ll make an announcement soon where we’re going to compete,” ani Venezuela.

 

 

Nagmula ang Valientes sa kampanya sa Asean Basketball League at paghahari sa VisMin Cup Invitational tournament katuwang sina two-time NBA champion Mario Chalmers at dating San Miguel Beer import Renaldo Balkman.

 

 

Si Chalmers ay dating miyembro ng two-time champion team Miami Heat, habang dating import ng San Miguel si Balkman na nagkampeon sa ABL katambal si Justin Brownlee.

 

 

Sa mga nakaraang taon ay nakadiskubre ang Valientes ng mga homegrown talents kagaya nina spitfire guards Denver Cadiz at Jeff Bernardo na naglaro sa VisMin Cup at ABL.

 

 

Nagmula ang Valientes sa paglahok sa ABL at sa VisMin Cup Invitational tournament kung saan nila tinalo ang ZamPen para sa korona.

Other News
  • Diaz gusto pang sumabak sa Vietnam SEA Games

    Hindi pa ang Tokyo Olympics ang  huling hirit ni Hidilyn Diaz dahil nangako itong sasabak pa sa 2021 Southeast Asian Games sa Vietnam sa Nobyembre.     Orihinal sanang magreretiro ang RIo Olympics silver medalist pagkatapos ng Tokyo Olympics kung natuloy ito noong nakaraang taon.     Subalit dahil naurong ang Tokyo Olympics sa Hulyo […]

  • State visit ni PBBM, wala pang iskedyul- Malakanyang

    HANGGANG ngayon ay wala pang ipinalalabas na iskedyul  ang Office of President (OP) hinggil sa state visit ngayong taon  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Ang katuwiran Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz, prayoridad ni Pangulong Marcos ang isapinal ang listahan ng mga miyembro ng kanyang gabinete.     “The President […]

  • Tsukii sumipa ng gold sa Cairo meet

    Inangkin ni Fil-Japanese karateka Junna Tsukii ang gold medal matapos ungusan si Egyptian bet Areeg Rashed, 2-1, sa women’s kumite -50 kilogram division sa 2021 Karate1 Premier League sa Cairo.     Isang matulis na suntok ang nailusot ni Tsukii sa natitirang anim na segundo para takasan si Rashed sa kanilang finals match.     […]