Velasco nasa likod ng “ouster plot” – Cayetano
- Published on February 28, 2020
- by @peoplesbalita
Tahasang ibinuking ni House Speaker Alan Peter Cayetano na Chairmanship sa ilang Committee sa Kamara at budget allocation ang ipinapangako ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa mga mambabatas sa harap ng usapin ng kudeta laban sa kanyang pamumuno.
Ayon kay Cayetano, “verified” umano ang report ukol sa tangkang pagpapatalsik sa kanya bilang House Speaker ng kampo ni Velasco at makapagpapatunay dito ang may 20 mambabatas na lumapit sa kanya.
“I don’t think mang-i-intriga ang 20 congressmen, but don’t worry I don’t take it personally,” pahayag ni Cayetano ukol sa isyu ng kudeta.
Nanindigan si Cayetano na bilang bahagi ng coalition block ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kanyang susundin ang napagkasunduan na term sharing kaya hindi na kailangan pa na magkudeta o mangako ng mga posisyon para matiyak lamang ang pwesto.
“He has nothing nothing to worry about. But yes it’s very divisive. ‘Wag nating guguluhin ang present na pagtrabaho ng ating Kongreso kasi naapektuhan ‘yung trabaho eh. But it’s verified, that talagang may mga nag-attempt. So ang advice ko sa mga nasa leadership din, mga chairman, chairpersons na hindi makapaghintay: If you cannot cooperate with the present leadership, umalis muna kayo sa committees n’yo, sa chairmanship n’yo, bumalik na lang kayo ‘pag Speaker na si Congressman Velasco” giit pa ni Cayetano.
Nagbanta rin si Cayetano sa mga kaalyado ni Velasco sa Kamara na patuloy na gagamitin ang isyu ng budget at ABS-CBN franchise at patuloy na mananabotahe na tumigil na ang mga ito.
“If you want work with me, walang personalan, kahit hindi ako ang gusto n’yong Speaker, let’s do it. Pero you want to sabotage or papabango n’yo ‘yung inyong manok o kandidato, umalis muna kayo bilang chairman, balik na lang kayo kapag nakaupo si Congressman Velasco”giit pa nito.
Dagdag pa ni Cayetano na kung tuloy tuloy pa rin ang gagawing pananabotahe sa kanyang termino ay mapipilitan na syang alisin ang mga ito.
SAMANTALA, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kung mapapalitan man bilang House speaker si Cayetano, ito’y sa pamamagitan ng napag-usapang term sharing sa leadership ng House of Representative.
Ang umugong na usapin hinggil sa nasabing ouster plot ay tila paghamon lamang ni Cayetano sa mga kapwa mambabatas na kung sa tingin ng mga ito’y di siya epektibo bilang speaker ay malaya silang patalsikin sya sa pwesto.
Subalit, sinabi ni Sec. Panelo na base sa kanyang impormasyon, mayorya ng mga kongresista ay satisfied sa pamununo ni Cayetano.
Kaya nga walang katotohanan ang sinasabing ouster plot laban kay Cayetano lalo na’t karamihan sa mga mambabatas ay sang-ayon sa mga ginagawa ng House Speaker. (Daris Jose)
-
10,000 bagong COVID-19 cases naitala sa Pilipinas; total 731K
Pumalo na sa lampas 10,000 ang bilang ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ayon sa Department of Health (DOH), tinatayang 10,016 ang nadagdag sa COVID-19 cases ng bansa ngayong araw, March 29. Kaya naman umakyat na ang total sa 731,894. “3 labs were not able to submit their data […]
-
Identified suspects sa nawawalang sabungero, pumalo na sa 8 – Año
PUMALO na sa 8 suspek ang in-identify ng Philippine National Police (PNP) sa kaso ng mga nawawalang sabungero. “At least eight suspects na ang ating na-identify. Sa oras na makuha na natin ang sapat na ebidensya ay hihingin na natin ang tulong ng korte,” ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año […]
-
Balik-tanaw sa 18th Asian Games 2018
NAKOBERAN po ng inyong lingkod ang 18th Asian Games sa mga lungsod ng Jakarta at Palembang sa Indonesia noong Agosto 18-Setyembre 2, 2018. Dalawa lang kami ni kasamang Manolo ‘Bong’ Pedralvez ng Malaya Business Insight na na-aasigned sa Palembang. Ang mga kasama namin sa Philippine media pool na sina Lorenzo Lomibao, Jr. ng Business […]