• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vendor itinumba sa loob ng palengke sa Malabon

TODAS ang isang vendor matapos barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek sa kanyang stall sa loob ng palengke sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Michael De Ocampo, 48 at residente ng No. 31 S. Pascual St., Brgy. San Agustin.

 

 

Ipinag-utos naman ni Malabon police chief Col. Albert Barot sa kanyang mga tauhan ang masusing imbestigasyon para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek.

 

 

Sa imbestigasyon nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Diego Ngippol, dakong alas-3:09 ng gabi, abala ang biktima sa paghahanda ng kanyang mga panindang manok sa (Mike and Tin Stall) Fish and Meat Section sa loob ng Malabon City Public Market sa Brgy. Tañong.

 

 

Bigla na lamang dumating ang mga suspek na kasuot ng puting t-shirt, short pants, itim na sombrero at face mask habang ang isa ay nakasuot ng itim na jacket, pulang t-shirt at asul na jogging pants saka binaril sa ulo ang biktima bago nagsitakas sa hindi matukoy na direksyon.

 

 

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6 sa pamumuno ni PLT Rommel Adrias subalit, nabigo silang maaresto ang mga suspek.

 

 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • LTO pinag-aaralan kung dadagdagan ang tanong sa driver’s license exam

    PINAG-AARALAN ng Land Transportation Office (LTO) kung dadagdagan ang mga tanong sa driver’s license exam na binibigay sa mga kumukuhang motorista.       Dahil na rin sa mga nakaraang insidente ng mga road rage kung kaya’t naisip ni assistant secretary Vigor Mendoza II niya na dagdagan ang mga katanungan dito.       “We […]

  • Rep. Pantaleon Alvarez at Atty. Ferdie Topacio, iginiit na walang halong pulitika ang inihain nilang reklamo laban kay House Speaker Martin Romualdez

    IGINIIT nila Davao Del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez at Atty. Ferdie Topacio na walang halong pulitika ang paghahain nila ng kaso sa Office of the Ombudsman laban kay House Speaker Martin Romualdez at iba pang mambabatas kaugnay sa umano’y insertion sa Bicam Report ng 2025 National Budget.   Anila, ginawa lamang nila ang kanilang […]

  • National Press Freedom Day bill pasado na sa Senado

    INAPRUBAHAN ng senado sa huling pagbasa ang panukalang batas na nagdedeklara sa Agosto 30 kada taon bilang National Press Freedom Day.   Ipinasa ng mga senador ang Senate Bill 670 bilang pagkilala kay Marcelo H. Del Pilar na ikinokonsidera bilang father of Philippine Journalism.   Nakakuha ito ng kabuuang 19 at walang kumuntra ganun din […]