• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vendor, kulong sa boga, gun replica sa Caloocan

BINITBIT sa selda ang 31-anyos na vendor nang mabisto ang dalang baril habang nakikipagtalo sa isa pang lalaki sa Caloocan City.nnSa ulat ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGEN. Josefino Ligan, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 10 nang mapansin ang pagtatalo ng dalawang lalaki, dakong alas-11:50 ng gabi sa Pinagbuklod, Sto. Niño, Brgy. 178, habang armado ng baril ang isa.nnNang lumapit ang mga pulis upang umawat, nakatakbong palayo ang isa, habang nadakip naman ang vendor na may hawak na hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na may kargang isang bala.nnBukod sa nakumpiskang revolver, nakuha rin ng mga pulis sa suspek, na mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Act at BP 881 o ang Comelec gun ban, ang isang replica ng kalibre .45 pistola.nn“This successful intervention highlights the vigilance of our personnel on the ground. Their proactive actions are crucial to ensuring the safety and security of our communities,” pahayag ni BGEN. Ligan. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads July 16, 2021

  • Pagbabalik-tanaw sa pinakamalaking kwento ng taon at pagdiriwang ika-20-taon ng ’24 Oras’

    IPINAGMAMALAKI ng GMA Integrated News ang “2024: The GMA Integrated News Year-End Report,” isang komprehensibo at mabilis na pagsusuri sa pinakamahahalagang kwento ng taon. Ang espesyal na ulat na ito ay hindi lamang magtatampok sa mga pinaka-maimpluwensyang kaganapan ng 2024 ngunit kukuha din ng mga aral mula sa nakalipas na 20 taon ng kahusayan sa […]

  • Tinawag pang ‘madam’ ang Kapuso Primetime Queen: HEART, nagpaabot ng pagbati sa pagbabalik-primetime ni MARIAN

    NAGPAABOT ng pagbati ang Kapuso actress at international fashion icon na si Heart Evangelista kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na nagbabalik sa primetime sa pamamagitan ng ‘My Guardian Alien’ na nagsimula na noong Lunes, Abril 1. after ng ‘Black Rider’.     Sa short video na pinost ng GMA Network, nagbigay ng heart-warming message si Heart […]