Vendor na bagong laya, itinumba
- Published on March 6, 2020
- by @peoplesbalita
TODAS ang isang 54-anyos na vendor na kalalabas lamang umano kamakailan sa kulungan matapos pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa labas ng kanyang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kaagad binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktima na nakilalang si Rogelio Esguerra, binata, ng 7041 Maligaya Park, Parkland St. Brgy. 177, Camarin, ng lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi, palabas sa kanyang bahay si Esguerra nang biglang lapitan ng suspek at walang sabi-sabing pinaputukan sa ulo at dibdib ang biktima.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon sakay ng isang motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasabwat.
Narekober naman ng rumespondeng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pangunguna ni P/Maj. Prestan Antonio ang dalawang basyo ng bala at isang deformed fired bullet mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril na isusumite sa Northern Police District (NPD) Crime Laboratory para ballistic examination.
Batay sa pahayag sa pulisya ng mga kaanak ni Esguerra, wala silang kilala na kaaway ang biktima subalit, sinabi ng mga ito na kalalabas lamang nito kamakailan sa kulungan. Hindi nabanggit kung anu ang dahilan ng kanyang pagkakakulong.
Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakilanlan ng suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente. (Richard Mesa)
-
Ads November 25, 2020
-
Mga rehiyon na may mataas na Covid-19 vaccine coverage dapat na tutukan ang pagbibigay ng booster shots —Galvez
KAILANGANG tutukan ng mga rehiyon na may mataas na COVID-19 vaccine coverage ang pagbibigay ng booster shots. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na 12 mula sa 17 rehiyon ng bansa ay maaari nang ikunsidera na mayroong mataas […]
-
House and lot bonus ni Bambol sa 3 boxers
Para kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, nararapat lamang bigyan ng pabuya sina Olympic Games silver medal winners Carlo Paalam at Nesthy Petecio at bronze medalist Eumir Felix Marcial. Kahapon ay inihayag ni Tolentino ang pagbibigay niya kina Paalam, Petecio at Marcial ng house and lot […]