Vhong Navarro, pinayagan nang magpiyansa sa halagang P1 milyon
- Published on December 8, 2022
- by @peoplesbalita
PINAYAGAN nang makapagpiyansa ng Taguig City Regional Trial Court para sa kanyang pansamantalang paglaya ang aktor at TV host na si Vhong Navarro, kaugnay ng kinakaharap na kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.
“Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos (Php 1,000,000.00),” saad ng kautusan.
Matatandaan na sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro makaraan na maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kanya.
Unang nakulong ang aktor sa NBI Detention Center bago siya inilipat sa Taguig City Jail base sa kautusan ng korte.
Nitong Setyembre nang kasuhan ng Taguig Prosecutor’s Office si Navarro ng umano’y panggagahasa kay Cornejo noong Enero 2014. Itinanggi naman ito ng aktor.
Ayon sa abogado ng actor na si Atty. Maggie Abraham Garduque na nangayayat ang actor ng bisitahin nila ito kaya bibigyan nila ito ng pagkakataon na mamamahinga muna.
Magugunitang nitong Martes ay naglabas ng kautusan ang Taguig Regional Trial Court na pagpayag sa actor na maglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P1-milyon para sa pansamantalang kalayaan nito dahil sa reklamong rape na inihain ng modelong si Cornejo.
Nakasaad din sa order na hindi pa lubos na kumbinsido ang korte na guilty ang actor mula sa reklamo ng modelo dahil sa paiba-iba ang pahayag nito. (Daris Jose)
-
Gilas Pilipinas ensayo agad!
Matapos lumabas ang negatibong resulta ng swab test, diretso ensayo agad ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang dalawang matinding laban na pagdaraanan nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia. Agad na sumalang sa pukpukang training ang Gilas Pilipinas para pagpagin ang kalawang sa mahabang biyaheng pinagdaanan nito patungong Belgrade. […]
-
Dahil sa nag-out na bilang gay: ‘Stranger Things’ star na si Noah Schnapp, ramdam na ang kalayaan
SA bansang Nepal nagpakita ng kanyang kakisigan ang Kapuso hunk na si Yasser Marta. Noong nakaraang New Year ay bumiyahe sa bansang Nepal si Yasser at in-enjoy niya ang mag-hiking sa magagandang bundok doon. Sa kanyang Instagram ay pinost niya ang breathtaking view ng Himalayas na pinusuan ng kanyang followers. Pero […]
-
World Cup: Germany talo sa Japan sa dalawang late goals
DOHA, Qatar — Nag-iskor ng late goal ang mga pamalit na sina Ritsu Doan at Takuma Asano noong Miyerkules upang bigyan ang Japan ng come-from-behind 2-1 na tagumpay laban sa Germany sa World Cup. Binigyan ni Ilkay Gündogan ang four-time champion Germany ng pangunguna sa first-half penalty. Ngunit si Doan, na naglalaro para sa […]