Vietnam sa Oktubre pa magdedesisyon kung tuloy ang paghawak nila ng SEA Games
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
Mayroong hanggang sa susunod na buwan ang Vietnam para pagdesisyunan kung matutuloy ang pagsasagawa ng 31st Southeast Asian Games.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Pres. Abraham “Bambol” Tolentino na binigyan ng SEA Games Federation ang Vietnam para pagdesisyunan kung kanila bang itutuloy o kakanselahin ang nasabing torneo.
Ito rin aniya napag-usapan noong isagawa ang online federation meeting na kinabibilangan ng 11 member countries.
Isang hamon ngayon na kakaharapin ng Vietnam ay dahil mayroong tatlong major Asian at dalawang international competitions sa 2022.
Gaganapin kasi ang Asian Indoor and Martial Arts Games mula Marso 10 hanggang 20 sa Thailand, ang Asian Games naman sa Hangzhou ay gaganapin mula Setyembre 10-25 a ang Asian Youth Games ay gagawin mula Disyembre 20-28 sa Shantou.
-
PAGAWAAN NG PEKENG TRAVEL. SWAB TEST RESULT NABUKING
NABISTO ang isang pagawaan ng pekeng mga dokumento gaya ng IATF ID,quarantine pass, travel authority pass,medical certificate ,swab test at rapid test results mula sa Manila Health Department (MHD) sa isinagawang pagsalakay,kahapon ng umaga sa Sta.Cruz,Maynila. Kinilala ni PLt.Col John Guiagui,station commander ng Manila Police District-Police Station 3 ang suspek na si Marilyn Balagtas, […]
-
MPBL, PSL, PBL propesyonal – Mitra
DAPAT nang magpasailalim sa Games and Amusements Board (GAB) ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), Philippine SuperLiga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL). Gayundin kumuha ng playing professional license sa nabanggit na ahensiya dahil idineklara na ang tatlong liga na mga professional league sa joint resolution na nilas nitong Huwebes nang namamahala sa professional […]
-
Ilang UV Expess balik kalsada
Balik kalsada ang may 980 units na UV Express sa kanilang operasyon sa Metro Manila at karatig na mga probinsya noong Lunes matapos ang tatlong buwang pagkahinto ng kanilang operasyon. Mayroon 47 routes ang binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB )mula sa Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal papuntang Metro Manila. […]