VIN at SOPHIE, in-announce na engaged at magkaka-anak na
- Published on February 17, 2021
- by @peoplesbalita
PAGKATAPOS ng eight years bilang couple, inihayag na nina Vin Abrenica at Sophie Albert, na engaged na sila to be married.
Two months ago nang mag-propose si Vin kay Sophie, at last Saturday, February 13, nag-announce sila pareho sa kani-kanilang Instagram account, na engaged na sila, kasama ang kanilang prenup photos.
“You’ll never know when you are truly ready until you realize who you’re living and breathing for. It’s you @itssophiealbert. We’ve grown up together and I look forward to growing old together. Good luck, you are stuck with me for life.” Post ni Vin last December 12, 2020.
From Sophie: “We’ve been savouring our precious moments and we are ready to share our joy and excitement! WE ARE ENGAGED! Thank you @vinabrenica for everything. Thank you for being you and for making everything special. I am blessed to have you as my best friend for life!
Kasunod ng engagement, last Valentine’s Day, sinorpresa na nina Sophie at Vin ang social media followers nila, sa video na they are expecting their first child together.
“I can’t wait to hold you,” sabi ni Sophie sa Ig post niya showing off her baby bump.
“Thank you everyone for your all warm wishes. Our hearts are full. Happy Valentine’s Day, I hope all your hearts are filled to the brim.”
Si Vin naman, hindi na raw niya mahintay ang kanilang little one. “Ahhh! I can’t wait! Gigil!”
Bago ang announcement, ipinost muna nina Sophie at Vin ang paglipat nila sa sarili nilang bahay. Kaya, sunud-sunod ang pagbati kina Sophie at Albert ng mga friends at mga kasama nila sa industriya. Mapapanood ang full video sa YouTube channel ni @vinabrenica
***
ASIA’S Multimedia Star Alden Richards is the ambassador ng GMA Now, at sa launch nito, nangako siya na tulad niya, ay magugustuhan din ng mga Kapuso fans ang latest digital TV product ng GMA Network.
“Bilib ako sa portability at convenience na ino-offer ng GMA Now,” pahayag ni Alden.
“Kahit saan ako magpunta, within the coverage area, mapapanood ko lahat ang mga GMA shows. May feature rin na pwede mong balikan ‘yung previous episodes through video-on-demand, kaya talagang mai-entertain ka, kahit naka-standby or commuting ka. Meron din itong features na pwede kang makipag-chat at panoorin ang mga shows kasama ng iyong mga friends, pede rin kayong mag-join ng exclusive promos at manalo ng prizes! Kaya kahit nasaan ka, hindi ka na mahuhuli sa mga paborito mong Kapuso shows dahil sa mobile digital TV receiver na ito.”
Madali lang ang gagawin para sa ibang features nito. I-download lang ang libreng GMA Now app sa Google Play store, mag-register at ikabit na ang dongle sa inyong smartphone. Mabibili ang GMA Now sa halagang P 649 lamang.
***
MUKHANG ang pagkakaroon na ng baby ng actor na si Carlo Aquino at ng girlfriend niyang si Trina Candazo, ang naging daan para umamin na sila at ipinost na nila sa social media ang binyag nga baby girl nilang si Enola Mithi, kamakailan lamang.
September 2020, sinurpresa nina Carlo at Trina ang online world nang ipakilala nila si Enola, one year after umamin na si Carlo sa real score ng relasyon nila ni Trina. Nagpasalamat din si Carl;o sa mga taong rumespeto sa kanilang privacy tungkol sa pregnancy journey ni Trina. (NORA V. CALDERON)
-
Favorite niya ang mga song ni Ice: RONNIE, consistent na mataas ang streams sa mga ni-revive na kanta
PANGALAWANG beses nang nagkakatrabaho sina Joem Bascon at Jasmine Curtis-Smith; una ay sa Metro Manila Film Festival entry na Culion noong 2019 at sumunod ay ang GMA teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko’ na kasalukuyang umeere ngayon kung saan gumaganap sila bilang si Leon at Cristy respectively. Pinakaunang serye naman ni Joem sa […]
-
Medvedev naungusan si Federer sa ATP ranking
NAUNGUSAN na ni Daniil Medvedev si tennis star Roger Federer sa world ranking ng inilabas ng Association of Tennis Professionals (ATP). Sa pinakahuling ranking ay nasa pang-apat na puwesto na ngayon ang Russian tennis star habang nasa pang-limang puwesto ang Swiss tennis star na si Federer. Isang naging susi para umangat ang puwesto […]
-
CBCP-ECCCE, nakiisa sa prayer intention ng Santo Papa Francisco na educational emergency
NAKIKIISA ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) sa prayer intention ng kaniyang Kabanalang Francisco para sa unang buwan ng taon. Ayon kay La Union Bishop Daniel Presto – Vice-chairman ng CBCP-ECCCE, mahalagang maisulong ang pagkakapatiran katulad ng panalangin ng Santo Papa upang mamamayani ang […]