• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VM SERVO, SUPORTADO PROYEKTO AT PROGRAMA NI LACUNA

NANGAKO si Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto na susuportahan niya ang lahat ng mga pangunahing programa ni Mayor Honey Lacuna-Pangan. Kabilang sa mga nasabing proyekto ay ang pagpapalago ng ekonomiya, pagpapaunlad ng buhay, kalusugan, kalinisan, kaayusan at katahimikan.

 

 

Upang mas maisakatuparan ang mga programa at proyekto ng lungsod, hiniling ng bise alkalde sa 38 Konsehal na makiisa sa pagsuporta sa layunin ng kanilang alkalde upang maipagpatuloy ang nasimulan ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso .

“Atin ding suportahan ang mga programang isusulong ng ating Mahal na Mayor Honey Lacuna. Mga programang pang-ekonomiya, pangkalusugan, pangkabuhayan, pangkalinisan at pangkatahimikan. Dalhin natin ang ating mahal na lungsod sa liwanag ng kasaganahan at dalhin natin ang bawat Manilenyo sa maayos na daan ng kaginhawahan at kapanatagan,” pahayag ng bise alkalde.

Kasabay nito, hinimok din ni Servo ang mga kasama sa Konseho na maghain ng panibagong “COC” – pero hindi ito ang “Certificate of Candidacy” kundi ang kahulugan nito ay “Compassion, Obligation at Commitment”.

 

 

Aniya, gamitin ang “COC” bilang pamantayan ng kanilang paglilingkod sa mamamayan ng Maynila, pangaraping magkaroon ng maayos na buhay ang bawat Manileño at maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng kanilang isinusulong na ordinansa.

 

 

Tulad aniya ng ginawa ng nakaraang administrasyon, ito ang naging sandalan ng kapanatagan ng bawat Manileño kaya nararapat lamang na maipagpatuloy ang lahat ng ito upang maiahon nila ang maraming mamamayan sa pagkakalugmok dulot ng nakalipas na pandemya.

 

 

“Kaya to all councilors, you are obligated to submit your priority ordinance that will be more beneficial to every Manileños,” sabi pa ng bise alkalde.

 

 

Isa rin pangako ng bise alkalde na  ipagpapatuloy ang kanyang adhikain na makapag-aral ang bawat batang Maynila at maipagpatuloy ang pagkakaloob ng buwanang allowance na P1,000 sa bawat estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM), pati na ang P500 allowance sa mga estudyante ng K-12 sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. (Gene Adsuara)

Other News
  • Tiniyak ni US Defense Sec. Austin: Washington, palaging susuportahan ang Maynila

    TINIYAK ni US Defense Secretary Lloyd Austin III kay Pangulong  Ferdinand Marcos, Jr. na palaging susuportahan ng Washington ang Maynila sa mga usapin na nakakapit sa  South China Sea, habang nagpapatuloy ang tensyon sa pinagtatalunang katubigan.     “Austin hosted Marcos at The Pentagon tackling recent developments on expanding and modernizing bilateral defense cooperation “in […]

  • Ads April 2, 2022

  • Sangalang gamay ang Clark

    PARANG tahanan na ni Ian Paul Sangalang ng Magnolia Hotshots ang Clark Freeport and Special Economic Zone bubble.   At mistulang homecourt na rin ng Pambansang manok big man ang Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.   Isinilang sa kalapit na Lubao ang28-year-old, 6-foot-7 center/ forward, masaya lang na nakakalaro […]