VP Leni, kuwalipikado na maturukan ng Sinovac COVID-19 vaccine- Sec. Roque
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
DAHIL hindi pa naman senior citizen ay kuwalipikado si Vice President Leni Robredo na maturukan ng Sinovac COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na batid naman ng lahat na nagpahayag ng kahandaan ang bise-presidente na makakuha ng COVID-19 vaccine.
Aniya pa, ang edad ni Robredo na 55 ay tama lamang sa “age range” kung saan para sa Food and Drug Administration (FDA) ay epektibo ang Sinovac.
Ang FDA, sa pag-apruba ng emergency use authorization para sa Sinovac ay nagpahayag na ang Chinese vaccine ay mayroong 65.3% hanggang 91.2% efficacy rate sa clinically healthy individuals na may edad na 18 hanggang 59 taong gulang.
Magkagayunpama ay hindi inirerekumenda ang Sinovac sa mga health workers dahil ang efficacy rate nito ay pumapalo lamang sa 50% sa nasabing grupo.
“Kung gusto niya, she is welcome to do so.Pasok na pasok siya. Hindi pa naman siya senior [citizen],” ayon kay he added.
Ang senior citizen ay may edad na 60 taong gulang pataas.
Sa ulat, muling iginiit ni Robredo ang kahandaang maunang magpabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasunod na rin ito ng hamon ni Senador Bong Go kay Robredo na sabayan ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpapabakuna.
Sinabi ni Robredo na hindi na niya kailangang hamunin dahil noong isang buwan pa lamang ay nagvolunteer na siyang maunang magpabakuna kung makakatulong ito para maibalik ang tiwala ng publiko sa pagpapabakuna.
Subalit iginiit ni Robredo ang pagpapabakuna muna ng Pangulong Duterte na bilang lider ng bansa ay mas malaki ang hatak sa kumpyansa ng publiko.
-
Ads March 26, 2021
-
PDu30, binalaan ang NPA
“What you can do, I can do better 10 times over. Ang kaya n’yo, kayo kong gawin” Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa New People’s Army (NPA) makaraang muling umatake ang rebeldeng grupo sa bayan ng Buenavista sa Quezon Province nitong nakaraang Sabado. “They do not have ideology. Wala na […]
-
1-M pang Sinovac vaccine doses, dumating sa Phl
Karadagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccine ang dumating sa Pilipinas bandang alas-7:35 kahapon ng umaga. Ang bagong batch ng Sinovac vaccine ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City lulan ng Cebu Pacific Flight 5J 671. Sinalubong ito ng vaccine czar na […]