VP Leni sa vaccine infomercial kasama si Duterte: ‘Open na open ako’
- Published on May 25, 2021
- by @peoplesbalita
Iginiit ni Vice President Leni Robredo na handa siyang makipagtulungan kay Pangulong Rodrigo Duterte para mahikayat ang mas maraming Pilipino na tumanggap ng COVID-19 vaccines.
Pahayag ito ng pangalawang pangulo, matapos siyang akusahan ng tagapagsalita ni Duterte na tutol umano ito sa mga bakuna ng China.
“Open na open ako kung kailangan iyan para makatulong sa vaccine trust. Any time, Ka Ely. Sabihin lang sa akin kung anong gagawin ko, kailan, saan,” ani Robredo sa kanyang weekly radio program.
Nilinaw ng VP Leni na walang katotohanan ang paratang ni Presidential spokesperson Harry Roque.
Ayon sa bise presidente, iminungkahi lang niya na idaan sa tamang proseso ang Chinese vaccines dahil hindi naging malinaw ang panuntunan ng paggamit nito noong umpisa ng vaccine rollout.
Kung maaalala, hindi pa agad inirekomenda ng Food and Drug Administration ang Sinovac COVID-19 vaccine sa mga healthcare worker at senior citizen.
Umapela rin noon ang Health Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) na gawaran muna ng “positive recommendation” ng Health Technology Assessment Council ang naturang bakuna.
“So ang sinasabi ko, Ka Ely, sana naman bago naggagawa ng mga public statements iyong mga regulatory agencies natin, nag-uusap-usap muna kasi hindi siya nakakatulong. Hindi siya nakakatulong sa vaccine trust. Iyon iyong sinabi ko, Ka Ely, dahil kapag sinabing sinisiraan o kino-kontra ko iyong Sinovac dati, fake news po iyon.”
Bago pa man nagsimula ang pamahalaan sa pag-rolyo ng COVID-19 vaccines, naging aktibo na ang Office of the Vice President (OVP) sa paglalabas ng “infomercials” tungkol sa bakuna.
Noong nakaraang linggo nang matanggap ni Robredo ang kanyang unang dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.
Hanggang sa ngayon ay wala naman daw siyang nararamdaman na seryosong side effect maliban sa pagka-ngalay ng braso at pakiramdam ng nilalagnat.
“Delayed sa akin, Ka Ely, medyo mangalay, tapos iyong pakiramdam ko na feverish ako. Alam mo iyon, Ka Ely, iyong pakiramdam mo magkakasakit ka. Pero noong kinuhaan ako ng temperature, wala naman akong sakit. Pero sandaling-sandali lang, sandaling-sandali lang, Ka Ely, after a few minutes wala na.” (Daris Jose)
-
Walang taas-pasahe sa PUV, hanggang matapos ang 2022
TINIYAK ng Department of Transportation (DOTr) na walang magaganap na pagtataas ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan hanggang sa pagtatapos ng 2022. Ito ang binigyang diin ni DOTr Secretary Jaime Bautista kasabay nang pagsasabing huli na ang inaprubahang taas-pasahe sa maraming public utility vehicle noong Setyembre. Mas makabubuti umano na hindi […]
-
ASF lumalala?!
KASABAY nang tinututukang kontrobersiyal na prangkisa ng ABS-CBN, pagkalat ng COVID-19 at ‘Pastillas Modus’ sa Bureau of Immigration, dumarami pa rin ang umaaray sa African Swine Fever (ASF) at patuloy ang paglaganap ng virus sa mga alagang baboy sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kailangan nang itodo ang paghihigpit ng local government units (LGUs) […]
-
HALOS 2 MILYONG HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA CAVITE
TINATAYANG halos P2 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasasam sa pagkakaaresto ng tatlong katao kabilang ang nominee ng isang party List at isang menor de edad sa isang buy bust operation sa Dasmarinas City, Cavite Lunes ng hapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Asrap Kamad Kasan Datu (ASRAP) , Nominee Partylist […]