• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Robrero, tuloy na sa pagtakbo bilang pangulo

Tuloy na ang pagtakbo ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa 2022 elections.

 

 

Sa kanyang talumpati sa Office of the Vice President (OVP) sa Quezon City, tinanggap nito ang hamon ng pagtakbo niya sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

 

 

“Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022,” wika ni VP Leni.

 

 

Una nang inindorso ng 1Sambayan si Robredo, ngunit hindi niya agad tinanggap dahil sa ilang konsiderasyon.

 

 

“Ngayon, sasabak tayo sa mas malaking laban. Panata ko ngayon: Ibubuhos ko nang buong-buo ang aking lakas, hindi lang hanggang sa halalan kundi hanggang sa mga natitirang araw ko, para ipaglaban ang Pilipinas ng ating mga pangarap,” dagdag pa ni Robredo. “Ibubuhos ko ang buong buo kong lakas. Hindi pwedeng pumikit na lang at umasang pagdilat natin nagbago na ang mundo. Kailangang piliin nating humakbang. Heto ako ngayon humahakbang.”

 

 

Matatandaang ika-30 ng Setyembre nang iendorso siya ng opposition coalition na 1Sambayan para maging kanilang pangulo.

 

 

Gayunpaman, wala pa silang inilalabas na katambal niya para sa pagkabise presidente at listahan ng senatoriables, bagay na idadaan pa ng 1Sambayan sa mga konsultasyon kasama si Robredo.

 

 

“Malinaw sa lahat ang hamon na kinakaharap natin. Nakita na nating lahat ang pagsisinungaling at panggigipit na kayang gawin ng iba para maabot ang mga layunin nila,” dagdag pa ng ikalawang pangulo.

 

 

“Nasa kanila ang pera, makinarya, isang buong istrukturang kayang magpalaganap ng anuymang kwentong kaya nilang palabasin. Pero hindi kayang tabungan ng kahit na anong ingay ang katotohanan.”

 

 

Dagdag pa ni Robredo, na kilalang kritiko ng madugong drug war at red-tagging sa mga bumabatikos sa administrasyon, “walang maaasahang pagbabago” kung parehong uri ng pamamahala ang magwawagi sa susunod na taon.

 

 

Pursigido si Robredo, asawa ng pumanaw na dating Interior Secretary Jesse Robredo, na ituloy ang pagkandidato kahit na nasa ikaanim na pwestosa pagkapangulo sa huling survey ng Pulse Asia nitong Setyembre.

 

 

“Tatalunin natin ang luma at bulok na klase ng pulitika. Ibabalik natin sa kamay ng karaniwang Pilipino ang kakayahang magdala ng pagbabago,” wika pa niya.

 

 

“Ramdam na ramdam ko ang tiwalang kaloob niyo sa akin. Sinasabi ko ngayon: buong-buo rin ang tiwala ko sa inyo.”

 

 

Inaasahang ngayong araw, Huwebes ay  ihahain ng bise presidente ang kaniyang certificate of candidacy (CoC) sa Sofitel, Pasay City. (Daris Jose)

Other News
  • Maraming pinagdaanan, at masuwerteng nakuha ang korona: MICHELLE, nagdalawang-isip pa sa muling pagsali sa ‘Miss Universe Philippines’

    NAGING challenge sa newly-crowned Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang naging preparation niya para sa pageant dahil marami raw nangyari sa buhay niya emotionally and physically.   “Approaching the competition, I was running on 1-2 hours of sleep every day. Miss Universe is the most bardagulan pageant, in my opinion.   “You have to […]

  • ‘Black Panther: Wakanda Forever’ New Trailer Reveals Two Black Panther Helmets

    A new Black Panther: Wakanda Forever trailer reveals not one, but two Black Panther helmets.   After Chadwick Boseman tragically passed away due to colon cancer in 2020, returning Black Panther director Ryan Coogler and his co-writer Joe Robert Cole reworked the sequel to honor the late actor and his incredible legacy as T’Challa.   […]

  • Sa makasaysayang 2024 Paris Olympics… Carlos Yulo nasungkit ang gintong medalya sa floor exercise

    NASUNGKIT ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa floor exercise gymnastics ng 2024 Paris Olympics.           Nakapagtala nang nakamamanghang 15.00 iskor si Yulo na may 6.600 difficulty at 8.400 sa execution upang maiuwi ang gintong medalya sa Pilipinas.       Inangkin ng 24-anyos na tubong Leveriza, Manila ang ginto mula […]