• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara Duterte, magsisilbing ‘game changer’ kontra communist terrorist group – NTF-ELCAC

KUMPIYANSA ang National Task Force to end local communist and armed conflict na magsisilbing ‘game changer’ si Vice President Sara Duterte para sa magiging transition ng kanilang stratehiya sa paglaban kontra sa communist terrorist group sa Pilipinas.

 

 

Ito ay matapos na italaga ang Bise Presidente bilang Co-Vice Chairperson ng NTF-ELCAC na malaki aniya ang magiging papel sa pagtupad sa kanilang mandatong labanan ang mga komunistang teroristang grupo sa bansa.

 

 

Ayon kay Assistant Director General Jonathan Malaya, inaasahang isa sa mga mahahalagang papel ni VP Duterte ay ang pagbibigay ng guidance sa mga ahensyang nasa ilalim ng NTF-ELCAC mula sa kaniyang mga naging karanasan bilang alkalde noon ng Davao City na isa sa mga insurgency free places ngayon sa Pilipinas.

 

 

Bukod dito ay muli ring binigyang-diin din ng opisyal na malaking bagay din ang maitutulong ng pagiging kalihim ni Duterte bilang kalihim ng kagawaran ng edukasyon para mapalakas ang proteksyon at seguridad sa mga paaralan sa bansa upang mapigilan na ang ginagawang recruitment activities ng mga miyembro ng New Peoples Army sa mga eskwelahan.

 

 

Kung maaalala, una nang inanunsyo ng NTF-ELCAC na magpapalit sila ng estratehiya mula sa dating warriors of peace tungo sa pagiging bringers of peace, alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na mas mapayapa at nagkakaisang pagtugon sa communist terrorist groups sa bansa.

 

 

Dahil dito ay mas paiigtingin pa ng naturang task force ang kanilang barangay development program at retooled community support program sa tulong ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan sa bansa para sa mga dating rebelde na magbabalik loob muli sa gobyerno. (Daris Jose)

Other News
  • Djokovic naibulsa ang ika-6 na Paris Masters title; mapapasakamay din ang year-end world No. 1 spot

    Nasungkit ng tennis star na si Novak Djokovic ang isa pang panalo sa Paris Masters title matapos talunin ang Russian na si Daniil Medvedev.     Umiskor ang Serbian star ng 4-6 6-3 6-3 para maiposte ang record-extending sixth titles.     Dahil sa panalo, sigurado na umanong mapapasakamay din ng 34-anyos na tennis player […]

  • Nagsimula sa pagganap niya ng ‘Darna’: NANETTE, inaming naging very conscious sa mga gagawin dahil sa pagiging role model

    IBANG klase talaga si Tito Boy Abunda.     Sino kasi ang mag-aakalang matapos ang maraming taon ng pananahimik at pagtalikod sa showbiz ay magagawa ni Tito Boy na mai-guest sa show niya ang nag-iisang Nanette Medved!     Aminin, idolo ng marami si Nanette, lalo na ng mga kabadingan lalo pa noong gampanan niya […]

  • Nasa 1.5-M manggagawa nawalan ng hanapbuhay dahil sa ECQ sa NCR plus – Sec. Lopez

    Tinatayang nasa 1.5 million manggagawa ang nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng dalawang linggo na enhanced community quarantine sa Greater Manila Area, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).     Sa isang briefing, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na sa halos 1.5 million displaced workers, 500,000 rito ang nakabalik na sa kanilang […]