VP Sara, hindi deserve na ma-impeached-PBBM
- Published on November 21, 2023
- by @peoplesbalita
NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi deserve ni Vice President Sara Duterte na ma-i impeached sa kabila ng naging pahayag ng isang mambabatas na pinag-uusapan na ito ng ilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
“Binabantayan namin nang mabuti because we don’t want her to be impeached, we don’t want her to… she does not deserved to be impeached so we will make sure that this is something we will pay very close attention to,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.
Tinuran pa ng Pangulo na ang “impeachment talks” ay hindi karaniwan mula ng “there will always be an element that would want to change the result of an election.”
“Well, lahat naman kami mayroong ganyan eh (we all have detractors). So, I don’t think it’s particularly unusual, I don’t think it’s particularly worrisome,” anito.
At nang tanungin kung mayroong anumang bitak sa UniTeam, sinabi ng Pangulo na “I don’t think so. Mas tumitibay nga eh.”
Inilarawan din ng Pangulo ang kanyang relasyon kay Duterte ay “excellent.”
“On a professional level, nothing but good things to say about the work she has done in the Department of Education,” ayon sa Chief Executive.
Pagdating naman sa personal level, sinabi ng Pangulo na magkasundo naman sila ni VP Sara. (Daris Jose)
-
Ads November 5, 2020
-
Opisyal at tauhan ng DepEd, makatatanggap ng P3K anniversary bonus
MAKATATANGGAP ang mga kuwalipikadong opisyal at tauhan ng Department of Education (DepEd) ng tig- P3,000 kada isa sa pagdiriwang ng ahensiya ng ika-125 taong anibersaryo ng departamento. Gaya ng nakasaad sa department order na naka-post sa DepEd website, araw ng Martes, Hunyo 20, inaprubahan ni Vice President at Secretary Sara Z. Duterte […]
-
‘Di kami perpekto, pero wala kaming nilabag sa batas’ – ABS-CBN exec
Pinabulaanan ni ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak na wala silang nilabag na batas kabilang ang anumang probisyon sa kanilang prangkisa na pinatotohanan naman ng dalawang regulator ng pamahalaan. Kahit nangako silang magsilbi ng tunay, kinikilala naman ang kumpanya na hindi sila perpek-tong organisasyon na nagka-kamali na puwedeng itama. “While our commitment to […]