• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, kinilala ang ‘institutional support’ ni Leni Robredo sa OVP

KINILALA ni Vice President Sara Duterte ang “institutional support”  ni dating Vice President Leni Robredo, para sa Office of the Vice President (OVP).

 

 

Sa katunayan, pinapahalagahan ni Duterte ang kontribusyon ni  Robredo sa  “Pasidungog,” isang OVP thanksgiving event para sa mga  partners nito  na ang papel at gampanin ay “significant impact in expanding the scope and enriching the socioeconomic programs” ng  OVP sa buong taon.

 

 

Hindi naman dumalo si Robredo sa nasabing event, subalit si Angat Buhay Executive Director Raphael Magno ang tumanggap ng plaque para sa kanya.

 

 

Maliban kay Robredo, pinagkalooban din ni Duterte ng plaques ang 432 local at private entities, government agencies, at mahahalagang personalidad para sa kanilang kontribusyon sa mga programa ng OVP.

 

 

“We are here because of our shared aspiration for our fellow Filipinos — especially those who have been pushed against the wall by poverty and the cycle of violence that comes with it,” ayon kay Duterte.

 

 

“We are here because of our mutual trust and respect — and our shared sense of collective responsibility to ensure the overall welfare of our people,” dagdag na wika nito.  (Daris Jose)

Other News
  • Proklamasyon para sa regular holidays at special non-working days sa 2023, inamyendahan

    NAG-ISYU ang Malacanang ng proklamasyon na nag-aamyenda sa unang proclamation number 42 na nagdideklara para sa regular holidays at special non working days para sa susunod na taon.     Sa ilalim ng Proclamation Number 90 na pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa petsang November 11, 2022, binigyang diin na may pangangailangang mag-adjust ang […]

  • Kooperasyon, susi sa pagbaba ng alert level status- Año

    ANG DE-ESCALATION o pagbaba sa alert level status sa National Capital Region (NCR) mula Alert Level 3 tungo sa Alert Level 2 simula  Pebrero 1 ay senyales na ang publiko ay sumusunod sa health protocols at iba pang guidelines para mapigilan ang Covid-19 surge.     Ang NCR ay inilagay sa ilalim ng alert Level […]

  • Pinas, patuloy na ipoprotesta ang “illegal’ na presensiya ng China sa WPS

    HINDI titigil ang gobyerno ng Pilipinas na maghain ng protesta laban sa ilegal na presensiya ng China sa West Philippine Sea (WPS).     Sa katunayan, nakapaghain na ang Pilipinas ng 77 protesta laban sa China, kabilang na ang 10 na protesta ngayong taon, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.   […]