• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara naghain ng petisyon sa Korte Suprema na humahamon sa House impeachment

NAGHAIN ng petisyon si Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema na humahamon sa ‘validity at constitutionality’ ng 4th impeachment complaint laban sa kanya.
Ang petition for certiorari and prohibition ay inihain sa Korte Suprema, araw ng Martes, Pebrero 18.
Inihain ang nasabing petisyon ng kampo ni VP Sara sa pamamagitan ng Fortun Narvasa and Salazar law offices.
Sa ulat, napag-alaman na natanggap ito ng Korte Suprema subalit hindi na naihabol pa sa kanilang en banc session.
Sinasabing maliban pa kasi ito sa petisyon ng apat na Mindanaoan lawyers para harangin ang impeachment proceedings laban kay VP Sara.
Sa ulat, hiniling din kasi ng mga abogado na sina Atty. Israelito Torreon, Atty. Martin Delgra, Atty. James Reserva, Atty. Hillary Olga Reserva, at Atty. Luna Acosta—na magpalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) at Injunction para ipawalang-bisa ang impeachment complaint.
Kasama rin sa mga nagpetisyon ang Bise Alkalde ng Davao City, ilang miyembro ng konseho ng lungsod, at mga kilalang political vloggers na sina Darwin Salcedo, Lord Byron Cristobal, at Lord Oliver Raymund Cristobal.
Ayon sa mga ito, depektibo at hindi dapat dinggin ng Senado ang impeachment complaint na inihain ng Kongreso.
Kwestiyonable di umano ang verification process ng impeachment complaint.
Sinabi pa ng mga petitioner, hindi pinag-aralang mabuti ng mga lumagda sa reklamo ang nilalaman nito, at biglaan lamang isinama sa usapin ng impeachment.
Subalit para sa Kongreso, moot and academic na ito dahil nasa Senado na ang reklamo at hindi na ang korte ang may hurisdiksyon dito. (Daris Jose)
Other News
  • DTI nilinaw na para sa international promotion ang pagluluto ng adobo standards

    Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na para lamang sa international promotions ang panukalang adobo standard at hindi ito mandatory standard sa mga kabahayan.     Ayon sa DTI na ang panukala na magkaroon ng standard recipe para sa mga pagkaing Pinoy gaya ng adobo na magkaroon ng traditional recipe ay naisip para […]

  • “The Boogeyman” Terrifying New Trailer and Poster Out Now

    EMBRACE the fear and mark your calendars for May 2023, as “The Boogeyman” prepares to haunt theaters near you and terrifying new trailer and a new poster is available now.     The horror-thriller from the mind of best-selling author Stephen King. The wait is finally over, as the spine-chilling new trailer and poster for […]

  • PBBM, nanawagan ng “pagkakaisa” para matiyak ang full labor market recovery

    NANAWAGAN  si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pagkakaisa sa mga empleyado, labor workers, at iba pang  stakeholders para matiyak ang full recovery ng  labor market sa gitna ng economic challenges.   Ginawa ng Pangulo ang kanyang panawagan na ito sa  isinagawang “DOLE@90 Stakeholders’ Night: Gabi ng Parangal at Pasasalamat” idinaos sa  Philippine International Convention […]