• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara nagpatutsada: Don’t be ‘tambaloslos’

MATAPOS kumalas sa Lakas-CMD Usap-usapan ngayon ang ipinaskil na ‘cryptic message’ ni Vice President Sara Duterte sa social media, kung saan tinawag nito ang pansin ng isang tao at pinayuhang itigil ang pagiging ‘tambaloslos.’

 

 

“Sa imong ambisyon (sa iyong ambisyon), do not be tambaloslos,” ani Duterte, bilang caption ng kanyang self-portrait photo na ipinaskil sa kanyang verified Instagram account.

 

 

Hindi pa naman malinaw kung ano o para kanino ang naturang post ng bise presidente, ngunit inilabas niya ito, sa gitna nang kaguluhang nagaganap sa House of Representatives.

 

 

Ang ‘tambaloslos’ ay sinasabing tumutukoy sa isang mythical creature na inilarawan bilang “halimaw o kakaibang nilalang na may malaking bibig at ari.”

 

 

Ito rin ang Visayan o Cebuano slang para sa isang tao na puro daldal lamang, walang kakayahan o hangal, at kadalasang ginagamit bilang isang insulto laban sa isang lalaki.

 

 

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin naglala­bas ang kampo ng bise presidente ng paglilinaw kung may partikular na tao ba siyang tinutukoy sa kanyang IG post.

 

 

Matatandaang kamakailan ay nagbitiw si VP Sara mula sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

 

 

Ang pagbibitiw ni Sara ay matapos ma-demote si Pampanga 2nd district Rep. at Lakas-CMD Chairperson Emeritus Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker. (Daris Jose)

Other News
  • DOE, nanawagan nang mabilis na rollout ng electric vehicles

    NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) para sa mas mabilis na rollout ng electric vehicles sa bansa para mabawasan ang pagsandal nito sa fossil fuels.     “The shift to EVs is expected to reduce the country’s dependence on imported fuel and to promote cleaner and energy-efficient transport technologies,” ang pahayag ng DOE sa isang […]

  • Administrasyon ni PBBM, ‘fully committed’ na protektahan ang ‘katubigan’ ng Pinas

    ‘FULLY COMMITTED’ ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na protektahan ang maritime interests ng Pilipinas.   Inihayag ito ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa isinagawang pagpapasinaya sa “Balangay Forum” sa Camp Aguinaldo, araw ng Lunes.   “What we should do, because the political leadership will is already there – […]

  • PBBM may malakas na mensahe sa China

    NAGPADALA ng matinding mensahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gobyerno ng China nang utusan nito ang Philippine Coast Guard (PCG) na putulin ang mga lumulutang na 300-meter buoy na inilagay ng China Coast Guard (CCG) sa Scarborough Shoal.     Ito ang inihayag ni Professor Renato De Castro ng La Salle International Studies. […]