• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara ngayong Rizal Day: alalahanin ang kanyang katapangan sa gitna ng opresyon

NANAWAGAN si Vice President Sara Duterte sa sambayanang Filipino na gunitain ang alaala ng Pambansang Bayani na si Gat. Jose Rizal sa pamamagitan ng pag-alala sa kanyang katapangan sa gitna ng opresyon at paninindigan kung ano ang tama.
“Ang napakatinding pagsubok na kanyang pinagdaanan ay nagpapaalala sa atin na kahit sa pinakamadilim na oras, ang liwanag ng katotohanan at katarungan ay maaaring manaig,” ang sinabi ni VP Sara.
“Parangalan natin ang kanyang alaala sa pamamagitan ng paninindigan para sa tama at kolektibong pagsusumikap tungo sa mas makatarungan, pantay, at tunay na malayang Pilipinas,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio na isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo.
Isa siyang tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng sariling pamahalaan ng Pilipinas sa mapayapang paraan, sa halip na isang marahas na pag-aalsa na susuporta lamang sa karahasan bilang huling paraan.
Naniniwala si Jose Rizal na ang tanging katuwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan, at winika niya “Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?”.
Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay sa kanya ang nagtulak upang magsimula ang Himagsikang Pilipino. (Daris Jose)
Other News
  • Legaspi pang-13 sa Cactus

    LUMAGAK na pang-13 ang dating national golf women’s team member na si Clare Amelia ‘Mia’ Legaspi sa kahahambalos na Morongo-Champions sa Morongo Golf Club/Tukwet Canyon sa Beaumont, California, United States.     Bumitaw ang Pinay golfer ng seven-over par 79 sa opening at six-over 78 sa closing upang maisalba ang 13-over 157 sa 24-player event […]

  • Sinovac, unang gagamitin ng Pinas sa vaccination program nito

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na ang bakunang gawa ng China na Sinovac ang unang bakuna na gagamitin ng Pilipinas sa vaccination program nito.   “Yes, I can confirm. It looks like Sinovac will be the first vaccine that we will used in our vaccination program,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Ito’y sa kabila ng […]

  • Fil-Am actor Jacob Batalon has a special greeting for Pinoys as he invites fans to watch the new thriller “Tarot”

    Filipino-American Jacob Batalon (Spider-Man: Homecoming, Spider-Man: Far From Home, Spider-Man: No Way Home) delves into horror as he tries to escape his deadly fate in Tarot. In anticipation of the frightening new film, Batalon invites fans in the Philippines to see Tarot as it haunts Philippine cinemas on May 1. Watch Jacob’s shout out here: […]