• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, pinuri si PBBM sa kanyang unang taon bilang Pangulo ng Pilipinas

PINURI ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa matagumpay na unang isang taon nito sa pamamalakad sa bansa bilang  halal na Pangulo.

 

 

Sinabi ni Duterte na pinatunayan lamang ni Pangulong Marcos sa unang taon niya bilang Pangulo na determinado ang kanyang gobyerno na tupdin ang lahat ng kanyang mga ipinangako noong eleksyon.

 

 

“Masaya po ako na ako’y bahagi ng isang administrasyon na nakatuon sa pagpapalakas ng ating bansa — at agresibo sa pagpapatibay ng ating ekonomiya; pagkakaroon ng sapat na trabaho at hanap-buhay; pagtugon sa hamon ng kahirapan; pagbibigay ng suporta sa mga sektor tulad ng mga mangingisda, magsasaka, at mga manggagawa; pagpapatayo ng mga importanteng imprastraktura; pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon at kalusugan para sa mga Pilipino; at ang pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa,” ani Duterte.

 

 

Hunyo 30, 2022, nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas ang 64-anyos na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Siya ang ikatlong anak ng dating pangulo na nasundan ang yapak ng kanilang mga magulang.

 

 

Si Bongbong ay anak ni dating Pangulong Marcos Sr., na naging pangulo ng bansa mula 1965 hanggang sa mapatalsik siya sa puwesto noong 1986 sa People Power Revolution.

 

 

“Makikita ng lahat ang sipag at pagpupursigi ng ating mahal na Pangulo na ituloy ang mga magagandang pagbabago na nasimulan ng nakaraang administrasyon — at magpakilala ng mga bagong programa at proyekto upang mabigyan ng ginhawa ang buhay ng ating mga kababayan,” ani Duterte.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Duterte na nagpapasalamat ang  Department of Education at Office of the Vice President (OVP) para sa suporta  ni Pangulong Marcos para sa mga programa para sa mga kabataang Filipino.

 

 

Nanawagan naman ang Pangulo sa  buong bansa na suportahan ang administrasyong Marcos at pagtibayin ang kanilang pagkakaisa laban sa mga hamon na darating sa kanila.

 

 

Nananawagan ako sa lahat ng ating mga kababayan na suportahan ang administrasyon ni Pangulong Marcos upang maisakaturapan ang mga adhikain nito para sa ating lahat. Sana ay mas palakasin pa natin ang ating pagkakaisa — at gamitin natin itong sandata upang malampasan ang mga darating na hamon sa atin bilang isang bansa,” ayon kay Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • Panukalang trials ng face-to-face classes, tinanggihan ni PDu30

    TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang trials ng face-to-face classes.   “Nagdesisyon na ang Presidente ha: wala pa rin po tayong face-to-face classes sa bansa,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Sinabi ni Sec. Roque na sinabi sa kanya ng Pangulo nang magkausap sila kagabi na ayaw nitong malagay sa panganib ang […]

  • EDITORIAL PCUP todo-suporta sa programang ‘Buhay at Bahay Program’

    NANGAKO ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa pangunguna ni Undersecretary Elpidio Jordan Jr., na susuportahan ang ‘Buhay at Bahay Caravan’ ni QC 2nd District Councilor Mikey Belmonte, matapos ang isinagawang Memorandum of Understanding signing na ginanap noong nakalipas na Biyernes.     Alinsunod sa agenda ni Pangulong Bongbong Marcos na iangat ang […]

  • Malakanyang, binatikos ang plano ng Senado na ipatawag si Durante para magpaliwanag ukol sa pagtuturok ng bakuna laban sa Covid- 19 sa mga PSG personnel

    BINATIKOS ng Malakanyang ang panukalang ipatawag si Presidential Security Group (PSG) commander Brigadier General Jesus Durante III sa SEnado para magpaliwanag ukol sa inoculation o pagbabakuna sa PSG troops gamit ang unregistered COVID-19 vaccine.   Umapela si Presidential spokesperson Harry Roque sa Senado na igalang ang hiwalay na kapangyarihan sa pagitan ng ehekutibo at leislaturang […]