• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara sinabing ‘never again’ makikipag-tandem kay PBBM, sinabing ‘di sila magkaibigan

INIHAYAG ni Vice President Sara DIRETSONG Duterte na “never again” na makipag-tandem siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

 

Pahayag ito ng pangalawang Pangulo matapos matanong kung may tiyansa pa na magka tandem sila ng Punong Ehekutibo.

 

Hindi naman pinaliwanang ni VP Sara kung bakit nasabi niya na “never again” na maka sama uli si Pang. Marcos.

 

Kung maalala nagsanib pwersa sina Pang. Marcos at VP Sara nuong nakaraang 2022 Presidential elections sa ilalim na Unity Team.

 

Sa unang dalawang taon naging maganda ang relasyon ng dalawa subalit pagpasok ng ikatlong taon ay unti-unti ng nagkakalamat hanggang sa nuong buwan ng Hunyo ay nagbitiw sa pwesto bilang DepEd Secretary si VP Sara.

 

Inihayag din ng Pangalawang Pangulo na hindi sila magka-ibigan ng Pang. Marcos nagkakilala lamang sila nuong kasagsagan na ng kampanya kaya hindi niya ito kilala.

 

Aniya ang kanyang kaibigan ay si Senator Imee Marcos.

 

Sinabi ni VP Sara na huli silang nagkausap ni Pang. Marcos nuong magtungo siya sa Malakanyang at ibigay ang kaniyang resignation bilang kalihim ng Department of Education (DepED). (Daris Jose)

Other News
  • #SimRegistration No. 1 trending habang kaliwa’t kanan pagpalya sa unang araw

    NUMERO unong nag-trend sa social networking site na Twitter ang #SimRegistration sa unang araw ng pagpaparehistro ng mga subscriber identity module (SIM) card dahil sa bagong batas — kaso, reklamo ang tatambad sa’yo oras na i-check ang hashtag.     Simula Dec 27, meron na lang 180 araw ang mga mobile users para irehistro ang […]

  • 100 MEDICAL WORKERS SA NAVOTAS, NABAKUNAHAN NA

    NASA 100 medical workers ng Navotas City Hospital ang unang nakatanggap ng bakuna ng Coronavirus Disease 2019 noong Biyernes sa pangunguna ni Dr. Roan Salafranca, NCH Chief of Clinics.     Tinanggap ng Navotas ang mga bakuna noong Huwebes at dinala sa cold room sa Navotas Polytechnic College.     “Tuwang-tuwa kami at nagpapasalamat na […]

  • Pangako ni PBBM, itutuloy ang military modernization

    ITUTULOY ng administrasyong Marcos ang pag-upgrade sa  Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng  internal at external threats.     “Rest assured to all the AFP and all the uniformed services that this administration remains committed to the modernization,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa 87th Anniversary ng  AFP sa […]