• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, walang respeto kina Castro at Hontiveros: ‘I have no respect for them’

“I HAVE no respect for them.”

 

 

Ito ang matapang na sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nang tanungin kung bakit  niya ‘singled out’ sina  ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at opposition Senator Risa Hontiveros nang magpalabas ito ng kalatas laban sa pagkuwestiyon sa paggamit ng kanyang tanggapan ng confidential funds noong 2022.

 

 

“Because I do not respect Ms. Castro and Ms. Hontiveros. I have no respect for them,” ayon kay VP Sara sa isang panayam sa Cleanergy Park sa Punta Dumalag, Davao City.

 

 

Isang kalatas mula kay VP Sara, araw ng Lunes, Setyembre 11,  pinasalamatan nito si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. at ilang opisyal ng kanyang administrasyon para sa pagpapakita ng kanilang suporta at pag-alalay sa  P125-million confidential at intelligence funds (CIFs) para sa Office of the Vice President (OVP) na hiniling mula sa Office of the President (OP) noong Disyembre 2022 sa kabila ng kakulangan ng line item, sa ilalim ng  2022 General Appropriations Act (GAA) para sa  OVP.

 

 

Kapwa naman inatake ni VP Sara  sina  Hontiveros at Castro,  subalit hindi binanggit ang dalawang Senate presidents at legal luminaries—Franklin Drilon at Senator Koko Pimentel—na pinuna ang paglipat ng 2022 CIF sa kanyang tanggapan.

 

 

Sa kabilang dako, sa kanyang pagtugon sa tirada ni VP Sara, igiit ni Hontiveros na ang  OVP ay hindi ‘special’ para sa budget nito para hindi dumaan sa ‘due process.’

 

 

Dahil dito, hinamon ng mambabatas si VP Sara na “If you’re so confident about those confidential funds, then defend them publicly.”

 

 

Ipinagkibit-balikat naman ni VP Sara ang akusasyon sa kanya ni Hontiveros  na nais niya na makatanggap ang OVP ng  special treatment.

 

 

“Hindi naman kami ever nagsabi na special ang Office of the Vice President ,” aniya pa rin.

 

 

“In fact, we respected the procees doon sa budget hearing ng House of Representatives and ng  Senate,” ang pahayag ni VP Sara.

 

 

“The discretion, the decision whether to grant confidential funds is really up to Congress kasi sila ‘yung merong  power of the purse,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Di man nagwagi sa 80th Golden Globes Awards: DOLLY, nairampa ang gown na gawa ng local designer sa red carpet

    HINDI napigilan ang SPARKADA na si Vince Maristela na ipakita ang six-pack abs niya sa mediacon ng bagong GMA primetime series na ‘Luv Is: Caught In His Arms.’     Si Vince nga ang tinatawag na hunk ng SPARKADA dahil sa alagang-alaga ang katawan nito sa workout at diet.     Binuking nga ng ka-partner […]

  • Wong bumawi agad, todo kaway-ngiti sa Palawan

    Iba’t iba ang komento mula ng mga netizen sa viral video na todo ngiti na at pang-Miss U pa ang kaway ni Premier Volleyball League star Deanna Wong habang nakabakasyon sa El Nido, Palawan kasama ang girlfriend na si Ivy Lacsina.     Isang netizen na nakakita kay Wong ang nagbahagi ng viral video Huwebes kung saan […]

  • Kahit katapat nito ang pinag-uusapang ‘Darna’: Fantaserye ni RURU na ‘Lolong’, pataaas pa rin nang pataas ang rating

    BONGGA si Jillian Ward dahil nabigyan na siya agad ng GMA-7 ng isang napakabonggang role.     Gagampanan ni Jiliian ang isang genius young doctor sa bagong GMA Afternoon Prime, ang “Abot Kamay na Pangarap.”     Noong bata raw siya, around five years old, kapag tinatanong siya kung ano ang dream niya, ang sagot […]