• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Wag lang magkuripot Alaska Milk: Manuel handang patali

MAAARI pa ring magpapako sa Alaska Milk ang naghihimagsik na si Victorino ‘Vic’ Manuel basta’t huwag lang magkuripot sa kanya ang Aces sa panibagong kontrata umpisa sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril 9.

 

Namutawi ito sa 33-taong-gulang, may 6-4 ang taas at tubong Licab, Nueva Ecija sa pagdalo sa Sports All-In araw ng Lunes na napanood ng Opensa Depensa, dalawang araw makaraang galit na ihayag ng power forward ang pagsibat sa Uytengsu franchise.

 

Ugat ito sa dalawang taong alok lang na contract extension na may P420K monthly maximum paycheck ng prangkiga, pero may team, option pa ang ikalawang taon, ayon sa coach ng gatas na si Jeffrey Cariaso sa kaagahan ng Enero.

 

Pero ngayong nabatid ng incoming nine-year pro veteran ang hinaing niya sa koponan sa pamagitan ng kanyang  magaling na agent-manager na si Danny Espiritu, kumpiyansa siyang itaas ni Alaska governor/team manager Richard ‘Dickie’ Bachmann ang kontrata sa tatlong taon na aabutin sa P15M.

 

“Hindi pa natin alam kung ano mangyayari. Kahit ano man mangyari, kailangan mag-move on. Kahit mawala ako, nandiyan pa rin naman ‘yung team at ‘yung players. Nandiyan pa rin yung suporta ko,” lahad ng basketbolistang produkto ng PSBA Jaguars. “Malay natin makasundo pa.”

 

Makukuntento na sina Manuel at Espiritu sa tatlong taon ang babaguhing kasunduan na magiging  garantisado ito para sa manlalaro lalo’t palagay na ang una sa team na bahay niya ng pitong taon. (REC) 

Other News
  • PBBM, pinangunahan ang 2 groundbreaking rites para sa 20K housing units para sa mga residente ng CamSur

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang groundbreaking ceremonies para sa pagtatayo ng mahigit sa 20,000 housing units para sa mga residente ng Camarines Sur bilang bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ng gobyerno.     “Isa po ito sa mga proyekto ng aking administrasyon na nakaangkla sa ating layunin […]

  • Lloyd Jefferson Go salo sa pang-8, P257K sinubi

    Tinapos ni Lloyd Jefferson Go ang kampanya sa five-under-par 67 uipang sumosyo sa pangwalo sa 11th Asian Development Tour 20220-22 Leg 14 $200K PIF Saudi Open nitong Dec. 8-10 sa Riyadh Golf Club.     Nagbuslo ang 27-anyos na Pinoy buhat sa Cebu ng six birdies laban sa one bogey sa pagsara sa 54 holes […]

  • Ads January 15, 2022