• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Wag ninyo akong gawing punching bag! – Sara

Binanatan ni Davao City Mayor Sara Duterte si Senator Koko Pimentel at Ronwald Musayac, executive director ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), dahil sa diumano’y paninisi sa kanya sa pagkakawatak ng partido.

 

 

Sinabi ni Sara na hindi siya isang ‘Last Two Minutes’ person at hindi siya papayag na maging isang political punching bag ng isang magulong partido.

 

 

“I am not a “Last two minutes” person I think, I organize and implement accor-dingly. In the meantime, I refuse to be a political punching bag for a party in complete disarray”, pahayag ng presidential daughter.

 

 

Sa statement ni Sara, sinabi nito na mismong si Duterte ang nagkumpirma sa kanya na tatakbo itong bise presidente samantalang si Go ang tatakbong presidente.

 

 

Sinabi ni Sara na dapat tigilan na ang paggamit sa kanyang pangalan at isangkalan upang hindi kumandidato sina Duterte at Go.

 

 

“I strongly suggest to the President and Senator Go to own up publicly their decision to run as a tandem. If they can confirm it privately, then I do not see the reason why they cannot be candid about it to the public,” ani Sara.

 

 

Inamin din ni Sara na nakatanggap sila ng dalawang sulat mula sa Presidente kung saan sa una ay hiniling nito na iindorso ang Go-Duterte tandem at ang pangalawa ay nagsusulong na kumandidato siyang presidente ka-tandem si Go.

 

 

Iginiit ni Sara na dapat ay tigilan na siya at iprisinta na lang sa publiko kung papaano sila makakatulong sa mga mamamayan. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Perfect ambassador’ para sa Earth Hour: PABLO, mangunguna sa annual switch-off event sa Maynila

    IBA talaga ang lakas ng impact ng SB19, buong grupo man o solohan.     Ang leader kasi ng grupo na si Pablo ay napili para sa Earth Hour celebration ngayong taon bilang ng World Wide Fund for Nature Philippines (WWF-PH) bilang pinakabagong music ambassador para sa Earth Hour Philippines 2024.     Si Pablo […]

  • P70M sa COVID-19 funds napunta sa ‘ineligible’ beneficiaries-COA

    TINATAYANG P70 milyong piso ng  COVID-19 response funds ng gobyerno ang hindi napunta sa mga eligible beneficiary.     Ito ang nakasaad sa ilalim ng Performance Audit Report sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Commission on Audit (COA), isang government program na nagbibigay ng financial support sa mga apektadong manggagawa sa panahon ng pandemya. […]

  • PRESYO NG KARNE NG BABOY SA MGA PALENGKE MULING SUMIPA SA P400 BAWAT KILO

    MULING sumipa ang presyo ng karne ng baboy  sa P400 bawat  kilo  sa ilang palengke sa Metro Manila.     Ito ay sa mga palengke ng Commonwealth Market sa QC, Mega Q-Mart, Trabajo Market sa Sampaloc, Manila at Acacia Market sa Malabon.     Habang sa Blumentritt Market ay P380 kada kilo ng liempo at P360 sa kasim […]