• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala nang extension sa SIM registration – DICT

NANINDIGAN ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na wala nang mangyayaring isa pang extension sa SIM card registration makaraan ang July 25 deadline para rito.

 

 

Ayon kay DICT Assistant Secretary for Cybersecurity Jeffrey Ian Dy, hindi na sila makapagbibigay ng extension dahil ito ang itinatakda ng batas.

 

 

Pagsapit ng July 26 ay mapuputol na ang mga koneksyon ng mga SIM card subscribers na hindi pa rehistrado.

 

 

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 100.2 milyong SIM cards ang nairehistro sa bansa.

 

 

Bagama’t katumbas lamang ito ng 60% ng total SIM cards na nabili ay maituturing na rin itong malaking accomplishment, sabi ni Dy.

 

 

Una nang nagtakda ang DICT na April 26, 2023 deadline ng SIM card registration pero dahil sa mga apela ay ginawa itong July 25, 2023 upang bigyan pa ng sapat na panahon ang mga subscribers nationwide na maiparehistro ang kanilang SIM. (Daris Jose)

Other News
  • 1,943 traditional jeepneys balik kalsada

    Bumalik na sa kalsada ang may 1,943 na traditional jeepneys na papasada sa 17 routes sa Metro Manila na binigyan ng pahintulot  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).   Sa ilalim ng isang LTFRB memorandum circular, ang mga traditional jeepneys ay maaari ng bumalik sa kanilang operasyon kahit na walang special permits. Subalit […]

  • “SMILE” ANNOUNCED AS THE OPENING NIGHT FILM AT FANTASTIC FEST 2022

    PARAMOUNT Pictures’ terrifying new horror feature “Smile” is set to make its world premiere as the Opening Night Film at the Fantastic Fest 2022, running from September 22nd – 29th in Austin, Texas. To mark the announcement, Paramount has unveiled the main poster art for Smile. Smile has been described as the intensely creepy debut feature from Parker Finn […]

  • 39 NSAs sigurado ang pondo para sa SEAG

    Maghihigpit ng sinturon ang Philippine Sports Commission (PSC) sa paglalabas ng pondo para sa mga National Sports Associations (NSAs).     Sa ngayon, tanging 39 NSAs lamang ang i­naprubahan ng PSC na makatatanggap ng pondo mula sa government sports agency.     Ito ay ang mga NSAs na sasabak sa 31st Southeast Asian Games na […]