Wala ng aktibong NPA guerrilla fronts sa Pinas
- Published on January 16, 2024
- by @peoplesbalita
WALA ng aktibong New People’s Army (NPA) guerrilla fronts sa Pilipinas.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na resulta ito ng matagumpay na pinaigting na kampanya ng administrasyon laban sa internal threats.
Sa isang video na in- upload sa kanyang social media accounts, araw ng Sabado, Enero 13, pinuri ni Pangulong Marcos ang mga law enforcer sa pagganap sa kanilang mga papel at tungkulin sa pagsisikap ng gobyerno para kontrahin ang internal security threats.
Ayon sa Pangulo, “as of December 2023”, na neutralized ng gobyerno ang 1,399 miyembro ng komunista at local terrorist groups.
Iniulat nito na nasamsam ng gobyerno ang 1,751 firearms sa pamamagitan ng pagsilo, pagbawi at pagsuko “as of last month.”
Dahil dito, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi ititigil ng pamahalaan ang anti-insurgency campaign nito.
“Maaari na nating mai-report na wala ng active NPA guerilla front as of December 2023. Kaya patuloy nating ipaglalaban ito,” aniya pa rin.
“These commitments underscore our steadfast commitment to peace and stability,” dagdag na wika nito.
Pinuri rin ng Punong Ehekutibo ang mga naging bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan laban sa internal threats, partikular na sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Department of National Defense (DND).
“Maganda naman ang performance ng ating AFP. Maganda naman ang performance ng ating mga pulis at maganda ang koordinasyon ng SND, ng Department of National Defense, lahat ng ating intelligence agencies,” ayon pa rin sa Pangulo.
“Sila nagtutulungan kaya naman naging matagumpay ang ating kampanya kontra sa internal terrorism,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)
-
Conor McGregor planong lumaban muli sa UFC
PLANO ni dating two-division UFC world champion Conor McGregor na muling sa lumaban sa octagon. Ito ang kinumpirma ni UFC President Dana White kung saan maaaring gawin ito sa huling bahagi ng taon o sa susunod na taon. Dagdag pa ni White na inalok ang Irish fighter ng pelikula subalit mas […]
-
SIM card registration, suspindihin muna para sa mabantayan ang datos ng publiko
KASUNOD na rin sa sunud-sunod na data system hacks sa mga government websites ipinag-uutos na sana ay sispindihin muna ang SIM card registration para sa mabantayan ang datos ng publiko. Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, kailangang itigil muna ang pagkuha ng online data ng mamamayang Pilipino hangga’t di naipapakita ng administrasyon […]
-
Djokovic humirit na ‘wag siyang ikulong ng immigration bago ang visa hearing
MULI NA namang na-detain ang kontrobersiyal na world’s number 1 tennis player na si Novak Djokovic sa Melbourne, dalawang araw bago ang pagsisimula ng Australian Open. Ito ay matapos na kanselahin ng Immigration minister ang kanyang visa dahil ang kanyang presensiya ay baka magpalakas daw sa mga anti-vaccine groups. Ang hindi […]