• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala pang data para maibaba ang Metro Manila COVID-19 alert sa level 3- Roque

WALA pang nakikitang data ang mga awtoridad para suportahan ang panawagan na ibaba ang Metro Manila’s COVID-19 alert level sa Alert level 3 ngayong linggo.

 

Sa kasalukuyan, ang national capital region ay nasa ilalim ng alert 4 hanggang Huwebes na may 5-level system kasama ang granular lockdowns.

 

“Sa ngayon po, wala pang datos na nagpapakita na pupuwedeng bumaba [ang alert level]. Pero pupuwede naman itong magbago,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Noong nakaraang linggo, ang Kalakhang Maynila ay nakapag-ulat ng average na 4,347 coronavirus infections para sa isang araw, bumaba mula sa peak o rurok na 5,714 daily cases mula Setyembre 5 hanggang 11, ayon kay Dr. Althea De Guzman, pinuno ng epidemiology bureau ng DoH.

 

Gayunman, ang output ng testing laboratories noong nakaraang linggo ay bumaba ng 37,000 hanggang 248,000.

 

Nakikipag-ugnayan na ang health department sa local governments upang alamin kung bakit.

 

“Tayo’y very cautiously interpreting the decline we saw because need to assess the large decline in laboratory output we saw in the past week,” ayon kay De Guzman.

 

Aniya pa, habang ang bed utilization rate ng MM ay bumaba sa 63% mula sa 68% ilang araw bago pa, ang pigurang ito ay nananatiling nasa moderate risk category.

 

Nananatili namang nasa high-risk o 76% ang paggamit ng ICU, medyo bumaba kumpara sa 78% utilization na naiulat noong mga nakaraang linggo.

 

“Kung ito pong mga numbering ito ng NCR ang ating pagbabasehan, tayo po ay posibleng manatili pa sa alert level 4,” ayon kay De Guzman.

 

Pero tulad po ng nabanggit ni spokes [man Roque], ang mga metrics natin at ang ating mga numero ay tuloy-tuloy po nating pag-aaralan. At napakahalaga na mayroon tayong tama at accurate na datos,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • TAGLE ITINALAGA NG VATICAN

    ITINALAGA  ni Pope Francis si Luis Antonio Cardinal Tagle sa ibang posisyon, sa pagkakataong ito bilang miyembro ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments.     Iniulat ng Radio Veritas na ginawa ng Vatican ang appointment sa publiko noong Hunyo 1 kaugnay ng anunsyo sa iba pang mga obispo na bahagi […]

  • Ash Barty pasok na sa finals ng Australian Open

    PASOK na sa finals ng Australian Open ang home-crowd favorite na si Ashleigh Barty.     Tinalo kasi nito si Madison Keys ng US sa semifnal round.     Nakuha ng world number one ang 6-1, 6-3 score para tuluyang ilampaso ang ranked 51 na American sa loob lamang ng 62 minuto.     Si […]

  • P6.352-T national budget para sa 2025 pasado na sa Kamara

    INAPRUBAHAN na ng House of Representatives ang P6.352-trillion national budget ng taong 2025.     Ang nasabing pag-apruba ay isang araw matapos sertipikahan ito Pangulong Ferdinand Marcos Jr na urgent.     Mayroong kabuuang 285 na kongresista ang bumuto na pumabor sa House Bill 10800 o kilala bilang “An Act Appropriating Funds for the Operation […]