• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala pang time na ma-in love uli: CARLA, madalas mahilo at himatayin dahil sa heart conditions

IT’S sad to know na sa kabila ng pagiging masayahin ni Carla Abellana ay may mga heart conditions pala siya.

 

 

Biro niya sa isang interview, “best friend ko na ang cardiologist ko.  May “tachcardia” ako which means my heart is beating faster than normal.

 

 

“Meron din akong neurocardiogeneric syncope na nahihirapang mag-circulate and blood sa brain ko kaya madalas akong mahilo at himatayin kaya medyo may adjustment po ako sa diet.”

 

 

Sa biro kung ready na siyang ma-fall in love again, sagot ni Carla, busy siya sa pag-aayos at paglipat niya sa bago niyang bahay.

 

 

May bago rin siyang project sa GMA Network, and “Stolen Life,” na muli nilang pagtatambalan ni Gabby Concepcion at first time nilang pagsasamahan ni Beauty Gonzalez sa GMA Afternoon Prime.

 

 

***

 

HINDI naman makapaniwala si Sparkler actress Bianca Umali na gagawa siya ng isang movie na makakasma si Superstar Nora Aunor.

 

 

“Parang panaginip ang lahat sa akin nang matanggap ko ang balita, super excited ako,” wika ni Bianca.

 

 

Wala pang details kung ano ang story at kung sinu-sino ang bubuo sa cast ng movie.  Pero naka-schedule na raw ang shooting nila sa Siquijor.

 

 

Balita ring inaayos na ng GMA Network and susunod na teleserye ni Bianca, ang fantasy series na “Sang’gre.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • MARK at NICOLE, proud and happy sa pagdating ni BABY CORKY

    SINILANG na ni Nicole Donesa ang baby boy nila ni Mark Herras noong January 31.     Sa Instagram post ni Mark, ang buong pangalan ni Baby Corky ay Mark Fernando Donesa Herras.     “Hi I’m Corky” caption pa ni Mark.     Sa IG Stories nila Mark at Nicole, nag-share sila ng videos […]

  • AIRLINES PINAALALAHANAN, TANGING DOKUMENTADONG PASAHERO ANG ISASAKAY

    NAGPAALALA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa mga airlines na siguraduhin na tanging mga karapat-dapat na mga dayuhan ang papayagang sumakay sa kanila patungo sa Pilipinas     Sinabi ni Morente na responsibilidad ng isang airlines na siguraduhin na ang mga karapat-dapat na mga dayuhan lamang   ang pasasakayin at makapasok sa bansa […]

  • Sa 1st Manila International Film Festival: PIOLO, malakas ang bali-balitang mag-uuwi ng Best Actor award

    KASALUKUYANG nasa Amerika ngayon ang Kapamilya aktor na si Piolo Pascual.   Ito ay kaugnay sa first Manila International Film Festival na kung saan kasama ang pelikula niyang “Mallari” Malakas ang ugong-ugong na mukhang si Piolo raw ang mag uuwi ng best actor award.   Pero para sa mahusay na aktor ay sapat na raw […]