• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala sa charter ng MMDA na mag-conduct ng isang film festival: VIVIAN, may panawagan na ibigay ang pamamahala ng Metro Manila Film Festival sa FDCP

FAST worker talaga si direk si Louie Ignacio.

 

 

He just finished shooting the movie titled Influencer mula sa 3:16 Productions ni Madam Len Carillo.

 

 

Bida sa pelikula ang tinaguriang Pandemic Superstar na si Sean De Guzman. Leading lady naman niya si Cleo Barretto.

 

 

Ang script ay isinulat ni Quinn Carillo, former member ang female group na Belladonnas. Kasama rin sa cast sina Marco Gomez at Christine Bermas,

 

 

Bukod dito ay tapos na rin ang Broken Blooms ni Direk Louie kung saan nagwagi ng dalawang acting awards ang lead actor na si Jeric Gonzales.

 

 

Dapat din abangan ang bagong game/variety show ng GMA 7 na Tiktokclock, na ayon sa nasagap naming chika ay si Direk Louie rin ang magha-handle.

 

 

Magiging hosts daw nito sina Kuya Kim Atienza, Pokwang at Rabiya Mateo.

 

 

Magiging pre-programming daw ito ng Eat Bulaga and will start this July.

 

 

***

 

 

PAHINGA muna sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Ilocos si Megastar Sharon Cuneta dahil kailangan na niyang mag-rehearse para sa repeat ng Iconic concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

 

 

Muling humarap sa members ng press sina Sharon at Regine last Saturday sa Garden Room ng Marriott Hotel.

 

 

Kapwa excited ang dalawa na muling mag-perform onstage with a live audience. Sabi ni Sharon she gets her energy from the audience while performing.

 

 

Sabi naman ni Regine, excited sa muli nilang musical collaboration ng Megastar. Ito raw ang Iconic ang masasabi ni Regine na “best ever” concert na nagawa niya dahil kasama niyang nag-perform ang kanyang idol.

 

 

She grew listening to Sharon’s songs and watching her movies. Paborito raw niya ang Bukas Luluhod ang Mga Tala dahil parang istorya daw ito ng buhay niya.

 

 

May mga pagbabago raw sa repertoire although may ilang portions din mula sa unang Iconic concert which was retained.

 

 

After sa Marriott Hotel Ballroom on June 17 and 18 na kung saan special guest si Ms. Pilita Corrales, sasabak naman sina Sharon at Regine sa US tour ng Iconic next month.

 

 

***

 

 

MAY panawagan si Film Academy of the Philippines Director General Vivian Velez na sana ibigay ang pamamahala ng Metro Manila Film Festival sa Film Development Council of the Philippines (FDCP).

 

 

Ayon sa aktres, hindi sakop ng trabaho ng MMDA ang magpatakbo ng taunang MMFF.

 

 

“Itong Metro Manila Film Festival, dapat maibigay ito sa FDCP. Unang-una, wala silang mandate. Ang MMDA, wala sa charter nila na mag-conduct ng isang film festival.

 

 

“Alam ko marami akong pwedeng sabihin because ngayon pwede na akong magsalita dahil by experience ng Film Academy of the Philippines. Ako na po ang magsasabi na dapat maibalik ito sa FDCP.”

 

 

Ever since ang pamamahala ng MMFF ay hawak ng Mowelfund. Nag-iba lang naman ito after the 1986 EDSA Revolution nang itinalaga na ang pagpatatakbo ng MMFF ay hahawakan ng MMDA.

 

 

Kaya since 1986 ay ang MMDA nagpapatakbo ng festival. Hindi lang namin sure kung may Executive Order na nilagdaan ang yumaong dating president Cory Aquino na nagtatakda na ang MMDA ang siyang magpapatakbo ng MMFF.

 

 

Kung sakaling may ganitong EO, dapat siguro ay ma-repeal muna ito bago maibigay sa ibang government agency ang pagpapatakbo ng MMFF.

 

 

Basta ang alam namin, ang Mowelfund ang may hawak ng MMFF mula 1974 until 1986.

 

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Ginawa ang lahat para maisalba ang relasyon: ALJUR, umamin sa vlog ni TONI na nagkasala kay KYLIE

    BONGGA si Toni Gonzaga dahil sa vlog niya ay umamin si Aljur Abrenica na nagkasala siya kay Kylie Padilla.     At ito ang dahilan kaya nagwakas ang kanilang relasyon.     “Yeah, totoo naman, totoo naman yun. On my part, oo. Ina-admit ko ‘yon, may pagkakamali ako,” pagbabahagi ni Aljur.     Ayon pa […]

  • ‘Online Simbang Gabi’, hikayat ng DOH sa publiko para iwas COVID-19

    Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na dumalo na lang ng online masses ngayong nagsimula na ang panahon ng tradisyunal na Simbang Gabi.   “As much as possible, reduce contact rate or avoid exposure to the virus by attending online masses instead of in-person gathering,” ayon sa health advisory ng ahensya.   Aminado […]

  • “BARBIE” REVEALS TEASER POSTER, OPENS JULY 19 IN PH

    WARNER Bros. Pictures has revealed the teaser poster of the highly awaited comedy “Barbie” from the Oscar-nominated director Greta Gerwig.       In 6 months, get ready for Margot Robbie and Ryan Gosling in “Barbie” — only in cinemas July 19.     [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/KuoyHVe6QCU]     About “Barbie”     Since the […]