WALANG 3RD TRANCHE NG SOCIAL AMELIORATION PROGRAM
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
NILINAW ni DSWD Spokesperson Director Irene Dumlao na walang 3rd tranche ng Social AmelioraTion Program , sa isang media forum ng National Press Club (NPC).
Sinabi ni Dumalo sa National Press Club (NPC) forum na sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act, mandato ng DSWD na magbigay lamang ng dalawang tranches.
Sinabi ni Dumlao na sa unang tranche ay nakipag-ugnayan ang DSWD sa mga local government units (LGUs) kung saan nakapamahagi ng P99.9 bilyong ayuda sa higit na 177.6 milyong low income families.
Habang sa 2nd tranche naman ay mahigit P83.7 bilyon emergency subsidy na ang naipamahagi sa mahigit na 14 miylong low income families na kuwalipikadong makatanggap ng ayuda.
Sinabi ni Dumlao na nagkaroon din ng validation upang matukoy kung may duplication sa aplikasyon ng SAP.
Aniya kung nakatanggap na sa DOLE, DA, SSS o kaya may 4Ps ay hindi mabibigyan ng emergency subsidy.
Ang iba naman ay iba ang ibinigay ng impormasyon kaya hanggang ngayon ay wala pang natatanggap.
Nasa P6 bilyon umano ang ibinigay na pondo sa DSWD para maipamahagi sa mga low income families na nakatira sa granural lockdown areas .
Hanggang nitong Disyembre 3 , sinabi ni Dumlao na mahigit P232.7 milyon na ang emergency subsidy ang naipamahagi na sa mahigit 33 libong pamilya gayundin sa mahigit 7,500 na low income families na nakatira sa granural areas ay nabigyan na rin ng tulong na aabot naman sa P42 milyon ang naipamahagi.
Paliwanag nito, ito ay ang pondo sa usapin ng SAP kaya naiintindihan aniya ang usapin na nabanggit ng mga senador sa isang pagdiniog sa senado. (GENE ADSUARA)
-
Nakatagpo na rin ng makakasama habang buhay: LJ, engaged na sa non-showbiz boyfriend na si PHILIP
ENGAGED na ang dating Kapuso actress na si LJ Reyes sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista, ayon ito sa name na naka-tag sa kanyang Instagram at Facebook post. Makikita nga ang series of photos sa proposal ng kanyang guwapong fiancé na kuha sa isang beach resort. Isa rito ang nakakikilig […]
-
BIKER, PISAK ULO SA TRAILER TRUCK
NASAWI ang isang biker matapos magulungan ng trailer truck sa bahagi ng Raxabago St., Tondo, Maynila Huwebes ng umaga. Sa ulat ng MPD-Traffic Enforcement Unit, nakilala ang biktima na si Rafoc Alvin Roxas, 39, nakatira sa no.05 BBS Navotas Bagumbayan south Navotas. Hawak naman ng pulisya ang driver ng trailer tractor […]
-
4Ps na buntis, may anak na edad 0-2, dapat mag-profile update – DSWD
PINAALALAHANAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga household-beneficiaries na buntis at may anak na edad 0 hanggang 2-taong gulang na mag-profile update upang mapabilang sa roll-out ng First 1000 Days (F1KD) conditional cash grant na karagdang financial support sa ilalim ng 4Ps, sa susunod na taon. […]