• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang ‘conflict of interest’ sa F2 Logistics deal para sa 2022 polls – Comelec

Binigyang diin ng Commission on Elections (Comelec) na walang “conflict of interest” sa pinasok na kontrata ng komisyon sa logistics company na iniuugnay sa negosyante at major campaign donor ni Pangulong Rodrigo Duterte noong tumakbo ito sa pagka-presidente noong 2016.

 

 

Ang logistic firm ni Uy na F2 ang siyang magde-deliver ng mga election materials gaya ng vote-counting machines (VCMs) mula sa bodega ng Comelec patungo sa iba’t ibang polling precincts sa 2022 elections.

 

 

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, ang F2 Logistics daw kasi ang lowest bidder sa naturang kontrata kaya naman qualified ito sa pagseserbisyo sa halalan.

 

 

Una rito, hiniling ng poll watchdog na Kontra Daya na kanselahin ang P536 million delivery contract na iginawad ng Comelec sa F2 Logistics.

 

 

Ayon kay Kontra Daya convenor Prof. Danilo Arao hindi raw ito usapin ng integridad kundi usapin ito ng pagiging disente.

 

 

Kaya naman para maalis ang agam-agam dapat daw ay ikansela na ang kontrata at i-award sa isa pang kompanya na walang potential conflict of interest.

 

 

Agad naman itong sinopla ni Jimenez at sinabing ang F2 Logistics ay magde-deliver lamang ng mga kagamitan sa halalan.

 

 

Nagbigay pa ng scenario si Jimenez na posibleng lagyan ng preloaded result ang mga VCM habang ito ay ibinibiyahe pero sa araw daw mismo ng halalan at bago ang botohan ay magpi-print ang Comelec ng zero report at dito lalabas na walang laman ang mga VCM.

 

 

Kaya naman, wala raw basehan ang mga espekulasyon ng mga mga kumokontra sa paggawad ng Comelec ng kontrata sa F2 Logistics. (Daris Jose)

Other News
  • 17 Pinoy tripulante na pinakawalan ng mga Houthi rebels sa Yemen

    DUMATING na sa bansa ang 17 tripulante matapos na sila ay pakawalan ng Houthi rebels sa Yemen. Lumapag ang Oman Air flight 843 saa Ninoy Aquino Internaitonal Airport Terminal 1 sa lungsod ng Pasay nitong 9:31 ng gabi ng Huwebes lulan ang 17 Pinoy seafarers. Sinalubong sila ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo […]

  • Magiging busy na uli sa paggawa ng movies at pag-awit… JANNO, nag-sorry sa mga followers dahil sa social at political postings

    NAG-SORRY si Janno Gibbs sa kanyang mga followers.       Ang dahilan, sa mga nakaraang buwan daw kasi, puro tungkol sa social at political ang mga postings niya.       Naging vocal din si Janno noong nakaraang election na ang sinuportahan niya ay si dating VP Leni Robredo. At tumanggap din si Janno […]

  • Kaya ayaw niyang makatrabaho: CLAUDINE, inaming masama pa rin ang loob kay ANGELU

    NAWINDANG ang karamihan sa mga bisita sa party para sa 20th wedding anniversary nina Gladys Reyes at mister nitong si Christopher Roxas sa mga binitiwang salita ni Claudine Barretto nang tawagin ni Gladys ang aktres para magbigay ng speech sa kanilang mag-asawa.     Nabanggit ni Gladys ang tungkol sa pangarap niya na reunion movie […]